Saturday, July 20, 2024

Willie Revillame, sumakit ang ulo dahil sa staff ng Wil To Win

Kakasimula pa lamang ng bagong show ng veteran TV host na si Willie Revillame, ngunit kaliwa’t kanan na ang mga isyu na hinaharap nito.

Pinagpiyestahan at binabatikos ngayon sa social media si Willie matapos umano niyang ipahiya ng live ang kanyang mga staff.

Viral ang episode ng “Wil To Win” sa TV5 noong Huwebes, Hulyo 18, kung saan mapapanood na pinagalitan ni Willie ang kanyang mga staff. 

Nag-ugat ito dahil tila hindi alam ng staff ang gagawin kahit nag-rehearsal na sila.

Willie Revillame, sumakit ang ulo dahil sa staff ng Wil To Win
PHOTO : Willie Revillame

Mga dahilan kung bakit uminit ang ulo ni Willie Revillame

Isa sa mga pagkakamali ay nang magkamali ang disk jockey (DJ) sa pag-play ng music sa simula ng isang segment. 

Nasundan pa ito nang dumaan naman sa harap ng camera ang floor director.

At panghuli nang hindi kaagad naibigay ng mga staff ang mga gagamiting props o materials para sa kanilang segment. 

Dahil dito, kaya uminit ang ulo ni Willie at sinermunan ang kanyang staff ng live.

Giit ni Willie, siya ang mananagot kapag hindi maganda ang kanyang programa. 

Aniya, “Naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? ‘Yan po ang problema ‘pag hindi alam ang ginagawa sa show. Ako lahat ang nananagot. Tapos sasabihin niyo mayabang na naman, bina-bash niyo ako—kasi pinapaganda ko ang programa.”

Dagdag pa niya, kahit nire-rehearse na nila ang mga gagawin ay nagkakamali pa rin ang staff. 

Aniya, “Para malaman niyo lang ho, para maintindihan ninyo, nire-rehearse namin ito ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa rin kami. Bakit?! Tapos sasabihin ninyo, ‘papagalitan na naman ‘yan’. Bina-bash ninyo ako…Nakita ninyo yung floor director namin dumaan sa camera. Floor director yun, may headphone yun.”

Willie, inaming ‘nahihirapan’ na sa kanyang bagong show

Naglabas din si Willie ng sama ng loob dahil siya umano ang nag-iisip ng lahat para sa kanilang show. 

Aniya, “Gusto ko lang maliwanag kasi ako ang nagiging kawawa, mayabang at arogante rito sa show na ito. Pero nakita niyo pati music, lahat, hindi niyo ba nakikita…Lahat ako nag-iisip para sa inyo.”

Umapela si Willie na kaawaan siya dahil hirap na hirap na umano siya. 

Aniya, “Maawa naman kayo sa akin. Ako pa bang mag-iisip niyan? Dyusko naman! Maawa kayo sa akin. Nahihirapan na ako sa show na ito. Ako lahat. Maawa kayo sa akin.”

Netizens, galit sa ginawa ni Willie sa kanyang mga staff

Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang ginawa ni Willie na pamamahiya sa kanyang staff sa live broadcast ng kanyang show.

Marami ang naimbyerna sa ginawa ni Willie.

Isang netizen ang nagkomento ng, “Bwisit ka Willie Revillame, very entitled kunwari pro-poor pero mga staff niya na minimum wage earner din eh sinesermonan halos araw-araw, tas live pa.”

Isa pang netizen ang nagsabi ng, “Sorry but Mr. Willie Revillame needs to stop doing shows like this and simply rest. He is settled for life, worth billions of pesos. I don’t think his age could take the management and patience. Just a simple mistake and he is already off. He doesn’t need to do this, really.”

Kinumpara rin ng netizens si Willie sa mga host ng Eat Bulaga at It’s Showtime. 

Anila, “Yan ang kaibahan ng Eat Bulaga at It’s Showtime. Makakaisip pa ang mga hosts ng joke pag may nagkamali sa set. Di tulad ni Lolo Willie na high blood agad kaya mahirap katrabaho.”

Dagdag pa ng isa, “Wala e, ugali na talaga noon pa, hindi na nagbago hahaha! Imbes na marelax ka, mas-stress ka pa pag pinanood mo siya unlike E.A.T at Showtime, chill lang, puro lang happy vibes.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagalitan ni Willie ang kanyang staff sa live broadcast. 

Noong nakaraang taon lamang ay nag-viral ang isang video clip kung saan minura ni Willie ang kanyang VJ dahil nagkamali ito.


0 comments:

Post a Comment