Monday, July 29, 2024

Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin

Marami ang napa-“sana all” sa isang lalaking manginginom matapos itong manalo ng isang brand-new Yamaha NMAX 2024 dahil sa ‘tansan’ promo ng San Miguel Beer.

Hindi maikakaila na kabilang ang mga Pinoy sa mga mahilig uminom, hindi lang ng tubig, kundi pati na rin ng mga nakakalasing na inumin o alak.

Ang pagiging masayahin at ang pagkakaroon ng mabuting samahan sa mga kaibigan at pamilya ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang pag-inom ng beer at iba pang alak ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

San Miguel Brewery Inc. (SMB) Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo!

Sa kabilang banda, ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) ay nangungunang kumpanya ng mga alak sa bansa.

Bilang pasasalamat sa kanilang loyal customers, isang promo ang inilunsad ng San Miguel Beer ang kanilang Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo!

Layunin din ng promo na makapagbigay ng pagkakataon sa kanilang mga loyal na kostumer na manalo ng mga kamangha-manghang premyo. 

Sa kabuuan, mayroong ₱100 milyon na halaga ng mga premyo na pwedeng mapanalunan. 

Kabilang dito ang mga Toyota Zenix Hybrid Electric Vehicles, Yamaha NMAX scooters, at Samsung A15 5G smartphones. 

Bukod pa rito, marami pang giveaways tulad ng SMB jackets, shirts, at iba pang produkto ng SMB.

Para makasali, kailangan lamang bumili ng bote ng alinman sa mga kalahok na brand ng SMB (San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, o Gold Eagle Beer), tingnan ang ilalim ng tansan para sa premyo, at i-redeem ang napanalunan.

Isang lalaki, nanalo ng Yamaha NMAX 2024 dahil sa tansan promo ng SMB

Isa nga sa mga maswerteng nanalo ng brand-new Yamaha NMAX dahil sa tansan promo ng SMB ay si Juztine Taruc.

Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin
PHOTO : Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin

Sa kanyang post sa Facebook noong Hulyo 25, ibinahagi niya kung paano niya na-redeem ang motor.

Kinumpirma rin ng San Miguel Beer sa pamamagitan ng isang Facebook post ang pagkapanalo ni Juztine. 

Ayon sa kanila, “May nanalo na! Congratulations Juztine Taruc sa iyong bagong Yamaha NMAX! Tuloy-tuloy lang ang pag-inom ng San Miguel Beer at baka kayo na ang susunod na mananalo sa San Miguel Beer Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo. Huwag kalimutang silipin ang ilalim ng tansan!”

Netizens, napa-sana all 

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang interes na bumili ng mga produkto ng San Miguel sa pag-asang manalo rin ng katulad na premyo. 

Lingid sa kaalaman ng marami, isa ang Yamaha NMAX 2024 sa mga popular na scooter model sa bansa. 

Base sa website na Zigwheels, ang Yamaha NMAX 2024 ay nagkakahalaga ng ₱151,900 sa Pilipinas. 

Ang NMAX ay mayroong 155 cc engine, 15.1 hp of power, at 13.9 Nm of torque.

Sa tulong ng SAN MIGUEL BEER TANSANKATUTAK PANALO promo, marami pang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyong tulad ng Yamaha NMAX. 

Kaya’t uminom, silipin ang ilalim ng tansan, at baka kayo na ang susunod na masuwerteng manalo. 

Ang promo ay bukas sa buong bansa mula July 1, 2024, hanggang December 31, 2024.


0 comments:

Post a Comment