Usap-usapan ngayon sa social media ang di umano’y pambabastos ng isang kandidata o muse sa PBA player na si Ricci Rivero sa Albay.
Nangyari ito sa Basketball Mayor Cup 2024 na ginanap noong nakaraang linggo sa Guinobatan Sports Complex sa San Francisco, Guinobatan, Albay.
Viral sa social media ang isang video kuha mula sa nasabing event kung saan mapapanood ang isang kandidata o basketball muse mula Barangay Monera na nagbibigay ng kanyang pick-up line.
Naroon din sa event ang iba pang basketball players ngaya nina Patrick Sleat and Brix Ramos, ngunit kapansin-pansin na si Ricci talaga ang kanyang pinuntirya sa kanyang pick-up line.
Kandidata kay Ricci: ‘Nangangamoy babaero ka’
Hindi makapaniwala ang lahat dahil sa pick-up line ng kandidata kung saan tinanong niya si Ricci kung basketball player ba raw siya dahil nangangamoy babaero siya.
Ani ng kandidata, “Basketball player ka ba?” Kaya pala nangangamoy babaero ka.”
Naghiyawan naman ang audience sa stadium dahil sa nakakalokang pick-up line ng kandidata.
Ngunit mas naloka pa ang marami nang ipakilala na ng kandidata ang kanyang sarili, dahil kapangalan pala niya ang ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes.
Ani ng kandidata, “Hi, Ricci, ako pala si Andrea, pero hindi ‘yung dati mong sinisinta.”
Kaya naman muling naghiyawan ang lahat dahil sa pick-up line ng kandidata kay Ricci.
Ricci, napikon dahil sa pick-up line ng kandidata?
Pero kung ang audience ay aliw na aliw sa pick-up line ng kandidata, kapansin-pansin namang hindi natuwa si Ricci rito.
Sa katunayan, halata sa ekspresyon ng mukha ni Ricci ang konting inis o pagkapikon dahil sa pick-up line ng kandidata.
Hilaw na hilaw nga ang naging ngiti ni Ricci sa pick-up line ng kandidata.
Matatandaang isa sa mga ibinabatong isyu kay Ricci ay ang isyung may third party sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes na ilang beses na rin niyang itinanggi.
Netizens, may reaksyon sa pick up line para kay Ricci
Sa social media ay umani naman ng maraming reaksyon mula sa netizens ang pick-up line ng kandidata kay Ricci.
Ayon sa kanila, sobrang tapang daw ng kandidata dahil nagawa niyang harap-harapan na patutsadahan si Ricci na babaero ito.
Komento ng isang netizen, “3 points ka dyan girl.Ang tapang mo.”
Komento naman ng isa pang netizen, “This kind of bravery!!! Grabe!”
“Dinog-show si Ricci. Hahaha” dagdag ng isang netizen.
Ricci, ipinagtanggol ng ilang netizens
Samantala, kung may natuwa sa ginawa ng kandidata, meron din namang hindi ito nagustuhan.
Para kasi sa kanila, tila nakakabastos umano sa part ni Ricci na inimbita para mag-guest sa event pero binastos lang.
Iginiit din nilang sa kabila ng isyu ni Ricci, wala na sa lugar ang harap-harapang pambabastos ng kandidata sa kanya.
Dahil dito, kinall out ng ilang netizens ang organizers at maging ang LGU ng Guinobatan dahil sa ginawa ng kandidata.
Komento ng netizens:
“Ay,..di dapat ganito. Di ko sinasabing tama si Ricci, Guests sila, at kung ano pa man ang issue na matagal naman ng tapos sana wag ungkatin sa event na wala namang kinalaman sa buhay nung tao at di alam buo story. Sana konting decency manlang lalo na at pageant ang sinalihan.”
“That’s inappropriate. Guests sila Sana walang bastusan”
“Not a fan ni Ricci pero girl walang respeto yong ginawa mo.
Sana naman, the LGU of Guinobatan should choose the correct organizers to handle this event. The organizer confirmed that he/she pushed for such awful pick-up lines for ‘fun’. Public funds pa and gamit nila sa pag- organize ng events malamang. Kung kay Mayor Vico yan, nasabon na kayo niyan…”
0 comments:
Post a Comment