Usap-usapan ng mga netizens ang pagkamot ng aktres na si Andi Eigenmann ng kaniyang braso habang nag-aayos ng inumin sa Siargao.
Si Andi Eigenmann ay dating aktres at kasalukuyang social media influencer.
Umani ng iba’t ibang reaksyon matapos siyang makuhanan ng video na nagkakamot ng kanyang braso habang nagsi-serve ng inumin sa kanilang snack bar sa Siargao.
Inupload ng isang netizen na nagngangalang Alvin S. Lopez ang video na mabilis na nag-viral.
Nag-viral kamakailan ang isang video ni Andi na abala sa paghahanda ng mga inumin sa kanilang snack bar.
Ang nakatawag-pansin sa mga netizen ay nang makita nilang nagkamot si Andi ng kanyang braso at pagkatapos ay hinawakan ang mga inumin na kanyang siniserve.
Sanitary issue ng Snack Bar ni Andi Eigenmann
Marami ang nagbigay ng negatibong komento ukol sa insidente, partikular na sa isyu ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain.
Ayon sa kanila, hindi sanitary ang ginawa ni Andi na magkamot ng braso habang nagsi-serve ng inumin.
Dagdag pa rito, napansin din ng mga netizen na mukhang hindi maayos si Andi dahil wala siyang suot na hairnet, gloves, at apron—mga pangunahing rekisito sa food and beverage industry.
Iginiit nilang bagamat kilalang personalidad si Andi, hindi ito nangangahulugang exempted siya sa mga alituntunin ng food safety.
Bilang isang business owner, mahalaga umano ang pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain upang masiguro ang kalusugan ng mga customers.
Mga komento ng netizens:
“Hinding hindi mo ako mapapabili ng pagkain pag ang nagsi-serve naka-sleeveless. Wala na ngang hairnet, naka-sleeveless pa, at may kasama pang kamot. Hahahaha. Kahit na sino pa yan sila. Except kung kapamilya ng nagsi-serve pwede pa.”
“It doesn’t matter if you’re a celebrity or not, the point here is you should practice good hygiene & safe food handling practices, kahit may ari ka man o staff ng isang food chain/restaurant. Just saying.”
“She looks untidy, and she’s scratching her arms in front of the customer while serving the orders. That’s not ok; it contaminates the drinks or the foods. I just only saying about food safety, and I have nothing against her.”
“Bagsak yan pag sa hotel o restaurant industry. Dapat naka-gloves, face mask, hairnet, saka naka-apron.”
“If you are in the food industry, it’s non-negotiable that the service crew/staff are presentable and exemplify cleanliness. Hindi sa pagiinarte na napuna siya. It’s a standard we should uphold because paying customers deserve the best. We should demand what is expected of them, no excuses.”
Samantala, ipinagtanggol naman si Andi ng uploader ng video.
Nilinaw niyang hindi niya intensyon na ipakita sa lahat ang pagkakamot ng braso si Andi habang nagsi-serve.
Aniya, “For the information of everybody, I have no idea about sa pag scratch ni Andi dahil nakafocus ako sa maganda niyang mukha and naka-linya ako para umorder di ko napansin yun kamay nya and wala naman issue sakin talaga , kami ngang mga uminom nya walang reaction , to all viewers and nagcocomment paki control nlng mga sinasabi nyo , Just visit siargao nlng and meet andi and tell her mga kuda nyo. I have no intention na ipakita ang pagkamot nya nataon lang.”
“Mga Guys baka di nyo alam na sa Siargao to ha ? island life atake dyan di yan sa City or any , saka medyo pa gabi na yan i think sa lamok yang pag kamot ni Andi , wag na kayo mag Selan , Mag Siargao nlng kayo kuha kayo package sakin,” dagdag niya.
0 comments:
Post a Comment