Monday, June 10, 2024

Nikko Natividad, pinapatanggal ng netizens sa Batang Quiapo

Nanawagan ang netizens at ang mga solid fans ng komedyanteng si Vice Ganda na ipatanggal ang aktor na si Nikko Natividad sa serye ng Batang Quiapo.

Kung ating babalikan, naglabas ng kaniyang saloobin si Nikko matapos umingay ang issue ni Vice dahil sa isang segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You”.

Vice Ganda “EXpecially For You” issue

Nagsimula ang lahat dahil sa tangkang paghalik umano ni Axel sa isang searcher na si Maria Christine matapos matanggal si Axel sa pinagpipilian na mga contestants.

Una, binigyan ng pagkakataon ng It’s Showtime hosts na makapagbigay ng mensahe si Axel para kay Christine.

Dito na nilapitan ni Axel si Christine para magkipag-high five at biglang nilapit niya ang kaniyang mukha kay Christine para umano bumeso.

sa isang anggulo ng kamera, parang akma na hahalik si Axel kay Christine, dahil dito biglang nagsalita ang komedyanteng si Vice Ganda para pangaralan si Axel.

Ani Vice : “Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

“Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik,” babala ni Vice.

Kaya naman, dito na umingay ang mundo ng social media dahil sa paninita at pamamahiya umano ni Vice kay Axel habang ito ay live on TV.

Nikko Natividad, sinupalpal si Vice Ganda sa pamamagitan ng social media post

Para naman kay Nikko Natividad, former Hashtag member ng It’s Showtime, sobra umanong napahiya si Axel matapos itong pagsabihan na tatadyakan at pweding kasuhan sa live segment ng It’s Showtime.

Binigyang diin rin ni Nikko sa isang post na alam niya ang pakiramdam ng napapahiya sa TV at napapowertrip base sa naging experienced niya.

Ani Nikko : “Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

“Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma experience at ng exposure pero sobrang trauma yung nakuha nila.” ani Nikko.

Nikko, sinupalpal si Vice matapos pinahiya si Axel at Christine
PHOTO : Nikko Natividad post about Vice, Axel and Christine

Nikko Natividad, binanatan ng fans ni Vice Ganda

Matapos mag trending ang mga makahulugang post ni Nikko tungkol kay Vice Ganda, uminit ang ulo ng mga solid fans ng komedyante.

Pinagsabihan nila si Nikko na kung hindi dahil sa It’s Showtime ay wala umanong pangalan at showbiz career ang aktor.

Nadamay na rin ang trabaho ni Nikko sa Batang Quiapo bilang si “Emong” at nag-petisyon ang mga fans ni Vice sa X (Twitter) na kung maaari ay ipatanggal ito sa programa.

Ayon sa X post : “Petition for Nikko Natividad to be REMOVED from Batang Quiapo show of Vice Ganda’s Bestfriend COCO MARTIN trewwww?.”

Hindi lingid sa marami na matagal ng mag-best friends si Vice Ganda at Coco Martin, kaya naman malakas ang kapangyarihan ni Vice at kaya nitong ipatanggal si Nikko sa Batang Quiapo kung gugustuhin nito.


0 comments:

Post a Comment