Saturday, June 29, 2024

Ryan Bang, engaged na sa kaniyang non-showbiz girlfriend

It’s very official! Engaged na ang It’s Showtime host na si Ryan Bang sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ngayong Sabado, June 29, masayang inanunsyo nina Ryan at Paolo ang milestone na ito sa kanilang relasyon.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Paola ang ilang larawan mula sa marriage proposal ni Ryan sa kanya.

Kalakip nito ang isang sweet caption na, “God is good [diamond ring emoji]”

Sa isang larawan, makikita ang magkahalong saya at pagkagulat sa mukha ni Paola habang nakatingin kay Ryan na nakaluhod hawak ang box ng singsing.

Ryan Bang, engaged na sa kaniyang non-showbiz girlfriend
PHOTO : Ryan Bang and Paola Huyong

Sa isang hiwalay na larawan, makikita namang naging emosyonal si Paola habang yakap siya ni Ryan.

Sa kanyang sulat, pinasalamatan naman ni Ryan si Paola dahil sinagot nito ng “yes” ang kanyang proposal.

Ani Ryan, “Mi Amor, Thank you for saying ‘YES’. Can’t wait to spend the rest of my life with you. From your soon to be husband.”

Ryan Bang, tanggap ng pamilya ni Paolo Huyong

Samantala, bago pa man mag-propose si Ryan kay Paola, ipinakilala muna nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga magulang.

Sa isang panayam, ikwenento ni Ryan na humanga ang mga magulang ni Paola sa trabaho ng kanyang mga magulang sa South Korea.

Ani Ryan, “Nung na-meet ko yung family ni Paola, yung parents niya, super proud sila sa trabaho ng daddy, mommy koz Sabi sa akin ng tatay ni Paola, ‘Ryan, simula ngayon ipag-pray namin sila. Kasi ikaw, kasama ka sa family namin, iniisip ko yung daddy, mommy mo, kapatid ko.’ Talagang tanggap na tanggap ako kung ano ang trabaho ng daddy ko.”

Habang personal naman na dinala ni Ryan si Paola sa South Korea upang makilala ito ng kanyang mga magulang.

Inamin ni Ryan na nagulat ang kanyang mga magulang nang ipakilala niya si Paola.

Aniya, “Syempre, nagulat sila, first time nila. In Korea, you never introduce to your parents if you really want her. Nagulat yung magulang ko.”

Ryan Bang and Paola Huyong Love Story timeline

Matatandaang noong nakaraang taon lamang isinapubliko nina Ryan at Paola ang kanilang relasyon.

Ayon sa ulat, unang nagtagpo ang landas ng dalawa sa isang football game, kung saan pareho silang fan.

Matatandaang unang sumikat si Ryan nang sumali siya sa Pinoy Big Brother:Teen Clash noong 2010z

Sa kabila ng language barrier, nakuha ni Ryan ang puso ng mga Pinoy dahil sa kanyang kwelang personalidad at pagmamahal sa Pilipinas.


0 comments:

Post a Comment