Masama ang loob ng grupo nina Rosmar Tan at Rendon Labador, na kilala bilang “Team Malakas,” sa isang staff ng munisipyo ng Coron, Palawan.
Ito’y matapos silang batikusin ng staff na si Jho Cayabyab Trinidad sa Facebook, kasunod ng kanilang charity event sa Coron.
Staff ng munisipyo ng Coron, Palawan binatikos ang grupo nina Rosmar Tan at Rendon Labador
Ayon kay Trinidad, ginamit lang umano ng grupo nina Rosmar at Rendon ang mga taga-Coron para sa kanilang vlog.
Dismayado raw siya dahil naghintay sila ng isang oras at nagutom sa charity event.
Bukod dito, sinabi pa ni Trinidad na ginamit lang sila ng Team Malakas para tumulong, ngunit wala man lang daw silang natanggap na kahit singkong duling mula sa grupo.
Aniya, “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”
Sa kanyang post, hinamon din ni Trinidad ng suntukan si Rendon.
Aniya, “Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”
Rosmar, naglabas ng sama ng loob laban sa staff ng munisipyo ng Coron
Samantala, sa kanyang Facebook post, hindi naiwasan ni Rosmar na maglabas ng sama ng loob laban sa staff na bumatikos sa kanila.
Ikwenento ni Rosmar ang kanilang sakripisyo at pagod para lang makapaghatid ng tulong sa mga taga-Coron.
Ayon kay Rosmar, bakasyon lang sana ang pakay nila sa Coron pero naisip nilang tumulong.
Kaya hindi nila inaasahan na ganito ang magiging resulta.
Kwento ni Rosmar, nakasakay na sila ng speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Trinidad na bumabatikos sa kanila.
Dahil dito, hindi nila napigilan ang kanilang emosyon at sumugod sila sa munisipyo para komprontahin ang staff.
Ani Rosmar, “May dala kaming mga relief goods, mga electric fan, rice cooker, initan ng tubig, 3 sakong bigas at caaaash na ipapamigay namin. Oo, di kasya, sa sobrang dami ng tao na pumunta kaya naisipan namin magpalaro ng “Jumbo hotdog showdown.” Nakita namin sa mata ng mga tao ang saya.
“Nakasakay na kami ng speed boat nang biglang may nag-send sa amin ng screenshot na binabash kami ng isang government official na ‘wala daw siya natanggap kahit singko’ etc. na parang lahat ng pagod namin at effort nasayang.
“Kaya di na namin napigilan emosyon at agad kami pumunta sa munisipyo…”
Rendon sa staff: “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ang Coron”
Sa video na ibinahagi ni Rendon sa Facebook, mapapanood ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nila ni Rosmar at ng staff.
Makikita ang galit sa mukha ni Rendon habang kinokompronta ang staff.
Bwelta ni Rendon, pumunta sila sa Coron para i-promote ang turismo pero sila pa ang siniraan ng staff.
Sa caption ng post ni Rendon, “Tumulong na nga kami sisiraan pa kami. Promote namin ang tourism ng Coron, Palawan para makatulong…”
Sa video, makikitang dinuduro ni Rendon ang staff sa tindi ng kanyang galit.
Ani Rendon, “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ang Coron. Kapal naman ng mukha mo, tumutulong na kami. Sino ba pinagmamalaki nito? Bakit pinapayagan niyo ang ganitong staff ng munisipyo?”
Dagdag pa niya, “Tumutulong na kami. Sino bang ipinagmamalaki nito? Ha? Bakit pinapayagan ninyo ang ganitong staff ng munisipyo? Dapat kayo ang tumutulong.”
Maging si Rosmar ay hindi rin naitago ang kanyang galit.
Aniya, “Nagpunta kami dito para mag-enjoy tapos iba-bash pa kami.”
Hindi rin umano totoo na hindi siya nagbigay ng pera sa mga tumulong sa kanya.
Ayon kay Rosmar, “Nag-abot na ako ng 3,000, last money ko na yun kanina.”
Tinanong din ni Rosmar ang staff kung bakit ito nanghamon ng suntukan kay Rendon sa kanyang post.
Pero sagot ng staff, “Wala lang.”
Ani Rosmar, “Trip mo lang ganun…”
Nilinaw din ni Rosmar na hindi sila kumita sa pag-vlog ng kanilang charity event sa Coron.
Aniya, “Kasi nakaka-highblood eh… Ang sasabihin pa niya para daw sa pagba-vlog. Kumikita ba ako diyan sa pagba-vlog na yan.”
Sa huli, nanawagan si Rendon sa mayor ng Coron dahil sa ginawa ng staff nito na aniya ay “lason” umano sa munisipyo.
Ani Rendon, “Sino bang Mayor dito? Mayor, nandito po kami para tumulong. Mag-promote kami dito…Mayor Reyes, nananawagan po kami na ganito pong klase ng mga tao ang lalason sa munisipyo niyo?”
0 comments:
Post a Comment