Tuesday, June 18, 2024

Rosmar Tan at Rendon Labador, naglabas ng kanilang public apology

Naglabas ng kanilang public apology video ang mga influencer na sina Rosmar Tan at Rendon Labador sa social media dahil sa gulo na nangyari sa Coron, Palawan.

June 14, nag-viral sa social media ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Rosmar, Rendon at ng LGU staff ng Coron, Palawan na si Jocelyn Trinidad.

Sumugod ang #TeamMalakas kabilang sina Rosmar at Rendon sa munisipyo ng Coron, Palawan para komprontahin si Jocelyn hinggil sa post nito laban sa kanila sa social media.

LGU staff ng Coron, Palawan tinira sina Rosmar at Rendon sa social media

Sa naturang post ng LGU staff na si Jocelyn, sinabi nito na ginamit lamang ang mga taga Coron, Palawan nina Rosmar at Rendon para pagkakitaan.

Sinabi ni Jocelyn sa isang post na ginamit rin lamang ni Rosmar at ng #TeamMalakas ang mga LGU staff ng Coron para tulungan sila pero wala raw ibinigay kahit singkong duling ang mga ito sa kanila.

Maliban dito, matapang rin na hinamon ni Jocelyn si Rendon ng suntukan.

Aniya, “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”

Kung ating babalikan, nagbakasyon ang #TeamMalakas sa Coron, Palawan at naisipan nilang mamahagi ng tulong sa mga tao.

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan
PHOTO : Team Malakas at Coron, Palawan

Ayon naman kay Rosmar, sakay na sila ng speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Jocelyn na bumabatikos sa kanila.

Rosmar at Rendon, pinatawan ng person non grata sa Coron, Palawan

Sa viral video na ibinahagi ni Rendon sa social media, mapapanood ang mainit na komprontasyon at sigawan sa pagitan ng #TeamMalakas at ng LGU staff na mismong sa loob pa ng munisipyo.

Ayon pa kay Rendon, pumunta sila sa Coron para ma-promote turismo ng lugar pero sila pa umano ang napasama.

Makikita rin sa mukha ni Rendon na galit na galit ito habang kinokompronta at tinataasan niya ng boses ang LGU staff na si Jocelyn.

Makikita rin sa video, na dinuduro-duro pa ni Rendon si Jocelyn dahil sa tindi ng kanyang galit.

Nag-viral din sa social media ang public apology ni Jocelyn para kay Rosmar at Rendon.

Rosmar at Rendon, nakipag-away sa staff ng munisipyo sa Palawan
PHOTO : Coron, Palawan staff, Rendon Labador and Rosmar Tan

Dahil dito nanawagan ang mga netizens na sana raw ay mapatawan ng persona non grata si Rosmar at si Rendon.

Ani ng netizen : “Coron doesn’t need these vloggers to promote their tourism. Coron is already famous all over the world. ituloy ang persona non grata kay rosmar at rendon!”

Dahil sa nangyaring gulo, pinatawan na bilang persona non grata ang mga influencers na sina Rosmar at Rendon sa bayan ng Coron, Palawan.

Posible rin umano na maghain ang LGU ng Coron ng isang resolusyon para patawan rin ang mga influencers ng persona non grata sa buong lalawigan ng Palawan.

Rosmar at Rendon, public apology

Matapos patawan bilang persona non grata, naglabas ng kanilang public apology ang mga influencers na sina Rosmar at Rendon.

Sa kanilang paghingi ng kapatawaran, inamin ni Rosmar, Rendon at ng #TeamMalakas na nagkamali sila.

“We will be better”

Pinagdiinan rin ng mga content creators na sila ay hamak na tao lamang at nagkakamali rin, aminado rin sila na nagpadala sila sa bugso ng kanilang mga damdamin.

Ani Rosmar : “Pasensya na po kay Ma’am Jho, sa munisipyo at lalong-lalo na po kay Mayor at sa bayan ng Coron, Palawan. Sorry po talaga na pinost ko na ‘Never again Coron.’ Hindi ko po sinasadya na i-generalize ko kayo,”

“Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin at ‘yun po ‘yung pinakamaling nagawa ko. Alam ko pong pagkakamali po ‘yon. Sana mapatawad nyo po ako,” dagdag pa ni Rosmar.

“Kami po ay nagpapakababa sa inyong lahat na susubukan po namin na baguhin kung ano man po ‘yung pagkakamali namin, kung sumobra man po kami,” panimula ni Rendon.

“Tingin po namin, ito po ay magiging lesson sa amin as a team. “We will be better” at babawi po kami, at hindi po ito magiging hadlang sa advocacy namin na makatulong at makapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng taong nangangailangan,” dagdag pa ni Rendon.


0 comments:

Post a Comment