Sunday, June 16, 2024

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan

Maaari umanong patawan ng persona non grata ang mga influencers na sina Rosmar Tan at Rendon Labador sa bayan ng Coron, Palawan.

Kung matatandaan noong June 14, viral sa social media ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Rosmar at Rendon at ng staff ng munisipyo ng Coron na si Jocelyn Trinidad.

Sumugod ang grupo nina Rosmar at Rendon na #TeamMalakas sa munisipyo ng Coron, Palawan para komprontahin si Jocelyn hinggil sa post nito laban sa kanila.

Sa naturang post ni Jocelyn, sinabi nito na ginamit lamang umano ng mga vlogger ang mga taga Coron, Palawan para pagkakitaan sa social media.

Kung ating babalikan, nagbigay ng tulong si Rosmar at Rendon sa mga taga Coron, ayon pa kay Rosmar na bakasyon lang sana ang pakay nila sa Coron pero naisip nilang tumulong.

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan
PHOTO : Team Malakas at Coron, Palawan

Kwento ni Rosmar, nakasakay na sila ng speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Trinidad na bumabatikos sa kanila.

Staff ng munisipyo ng Coron, Palawan binatikos ang grupo nina Rosmar Tan at Rendon Labador

Sa post ng staff ng munisipyo sa Coron, sinabi rin niyang ginamit lang ni Rosmar at ng kanyang grupo ang mga staff ng munisipyo para tulungan sila pero wala raw ibinigay kahit singkong duling ang mga ito sa kanila.

Maliban dito, hinamon din ni Jocelyn ng suntukan si Rendon.

Aniya, “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”

Rendon sa staff: “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ang Coron”

Sa video na ibinahagi ni Rendon sa Facebook, mapapanood ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nila ni Rosmar at ng staff mismong sa loob ng munisipyo. 

Makikita ang galit sa mukha ni Rendon habang kinokompronta ang staff.

Bwelta ni Rendon, pumunta sila sa Coron para i-promote ang turismo pero sila pa ang siniraan ng staff.

Sa caption ng post ni Rendon, “Tumulong na nga kami sisiraan pa kami. Promote namin ang tourism ng Coron, Palawan para makatulong…”

Sa video, makikitang dinuduro ni Rendon ang staff sa tindi ng kanyang galit.

Dahil dito maraming netizens ang nanawagan na sana raw ay patawan ng persona non grata si Rosmar at si Rendon dahil sa ginawa nila sa isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawan.

Imbes na kampihan, marami ngayon ang bumabatikos kay Rosmar at Rendon dahil sa nangyari.

Ani ng netizen : “Coron doesn’t need these vloggers to promote their tourism. Coron is already famous all over the world. ituloy ang persona non grata kay rosmar at rendon!”


0 comments:

Post a Comment