Wednesday, June 5, 2024

Annabelle, sinabing kakampi niya si Barbie Doll laban kay Chucky

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa isang social media post ni Annabelle Rama tungkol kina Annabelle, Barbie at kay Chucky doll.

Kung matatandaan, ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz na “exclusively” dating na ang aktres na si Barbie Imperial at ang aktor na si Richard Gutierrez.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, exclusively dating na
PHOTO : Anabelle Rama, Richard Gutierrez and Barbie Imperial

“Kumpirmado exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Ayon sa aming very reliable source, walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” panimula ni Ogie.

“Last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho nang single at co-parenting na lang sa kanilang dalawang anak. Si Barbie daw ay ngayong taon lang nakapalagayan ng loob ni Richard. Ani pa ng source namin, Barbie had nothing to do with the hiwalayang isyu,” ani ng showbiz insider at talent manager.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial

Naging pulutan at usap-usapan rin sa social media na si Barbie ang itinuturong third party umano sa hiwalayang Richard at Sarah Lahbati.

Kung matatandaan, in denial si Richard at Barbie noon pa man tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Barbie vs Sarah

Inakusahan ng mga netizens na ginagaya umano ni Barbie si Sarah Lahbati, ngunit agaw pansin ang naging sagot na ina ni Sarah na si Esther.

Sa nasabing social media post ni Barbie noong April 22, 2024, makikita na naka-culinary uniform ang dalaga, ito rin ang suot ni Sarah noong June 1, 2023 habang sila pa ni Richard Gutierrez.

Ani ng netizen : “Pwede naman syang magwhite. Kaso obvious naman na ginagaya nya si sarah. Hindi naman yung white dress issue dito eh. Kundi nanggagaya si barbie. Idol mo ba si barbie?”

Nakakaloka naman ang naging sagot ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati tungkol sa patutsada ng netizen na nanggagaya umano ng style si Barbie.

Barbie Imperial, ginagaya umano si Sarah Lahbati ayon sa netizens
PHOTO : Netizen comment and Esther Lahbati replied

Sa ngayon ay wala pang sagot si Barbie tungkol sa paratang sa kaniya ng mga netizen.

Annabelle doll, Barbie doll at Chucky doll

Agaw pansin naman sa social media ang post ni Annabelle na kung saan nagpapahiwatig ito na walang masamang tinapay sa pagitan nila ni Barbie Doll (Barbie Imperial).

Sa katunayan mukhang mas boto pa si Annabelle kay Barbie para sa kaniyang anak na si Richard.

Aniya : “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky . Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” dagdap pa ni Annabelle.

Annabelle, sinabing kakampi niya si Barbie Doll laban kay Chucky
PHOTO : Annabelle Rama / Facebook post

Ang tanong ng mga netizens, sino si Chucky doll?


0 comments:

Post a Comment