Wednesday, June 26, 2024

Dagul, nalungkot dahil hindi na kasama sa bagong Goin’ Bulilit

Inamin ng anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana sa isang TikTok video na nalungkot si Dagul dahil wala na siya sa pagbabalik ng “Goin’ Bulilit”.

Nagsalita ang anak ng komedyanteng si Romy Pastrana, o mas kilala bilang Dagul, hinggil sa hindi pagkuha sa kaniyang ama ng ABS-CBN para sa pagbabalik ng kinabibilangan nitong kids gag show na “Goin’ Bulilit”.

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsyo ng ABS-CBN ang pagbabalik ng “Goin’ Bulilit” na nakatakdang mapanood simula July 1.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi kasama si Dagul sa bagong cast ng programa.

Pinalitan siya ng content creator at Batang Quiapo star na si Renz Joshua Baña, o mas kilala bilang “Baby Giant”.

Dagul, nalungkot dahil hindi na kasama sa bagong Goin’ Bulilit
PHOTO : Goin’ Bulilit new casts 2024

Marami ang nalungkot dahil hindi na kasama si Dagul sa “Goin’ Bulilit”.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Dagul sa iconic at regular cast ng “Goin’ Bulilit” kung saan naging bahagi siya mula 2005 hanggang noong 2019.

Dagul, nalungkot dahil dindi na kasama sa Goin’ Bulilit

Samantala, inamin ng anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana sa isang TikTok video na nalungkot si Dagul dahil wala na siya sa pagbabalik ng “Goin’ Bulilit”.

Ani Jkhriez, “Nalulungkot din daw siya (Dagul), guys. Gusto niya kasi na mapanood niyo pa rin siya. So dito sa live namin, gamit yung live na ‘to, dito ko siya pinopost gamit ‘tong TikTok kasi wala siyang social media guys. Walang social media si papa.”

Sa kabilang banda, pumalag naman si Jkhriez sa mga nagkakalat ng fake news na may sakit o ‘di naman kaya na-stroke o bedridden na si Dagul kaya wala na ito sa “Goin’ Bulilit.”

Ani Jkhriez, “Sobrang nakakagalit na. Stop spreading fake news na may sakit si papa kaya wala sa GOIN BULILIT WTF?! Lahat ng nagmemessage saken at nagcomment please 2024 na. Then ipapakalat pa? Wth dami kong nakikitang content about kay papa na may sakit, na bedridden, na stroke?!?! Omg!! Highblood niyo ko ah!!! Manuod kayo ng live at TikTok namin and also stop na sa GOIN BULILIT NA YAN!!!! OKAY NA OKAY SI PAPA WALANG SAKIT KAYA ITIGIL NIYO YAN!! NAKAKAHIGHBLOOD KAYO!!!! 2024 na people stop spreading shits!!!!! LAST NA TO!!”

Dagul, tanggap ang desisyon ng ABS-CBN na palitan ni Baby Giant sa Goin’ Bulilit

Sa isang TikTok video, nilinaw naman ni Jkhriez na ayos lang sa kanila na hindi kinuha ng ABS-CBN si Dagul para maging parte ng bagong “Goin’ Bulilit”.

Ayon pa kay Jkhriez, naiintindihan umano nila ang desisyon ng network kung bakit hindi na nila kinuha si Dagul.

Ani Jkhriez, “Gusto ko lang i-clear sa inyo, na hindi ako malungkot dahil wala si Papa sa Goin’ Bulilit. Nalulungkot lang ako sa mga issue na lumalabas. And okay lang sa akin na wala si Papa sa Goin’ Bulilit. Okay lang sa amin guys kasi choice nila ‘yun.”

Dagdag niya, “I’m so happy din sa bago pero nalulungkot ako guys sa mga issue na nangyayari. Ayoko kasi ng issue guys. Mas gusto ko lang na clear tayong lahat and good vibes.”


0 comments:

Post a Comment