Thursday, June 6, 2024

Nagpost ng video nina Christine at staff ng Showtime, kakasuhan?

Umalma ang Kapamilya reporter na si MJ Felipe sa iligal na pag-post ni Jhelo Bernabe ng video ng pag-uusap nina Christine at isang staff ng “It’s Showtime.”

Matatandaang binatikos ang “It’s Showtime” at ang main host nito na si Vice Ganda dahil sa video na in-upload ni Jhelo, na aniya’y ibinahagi sa kanya ng kapatid niyang ex ni Christine.

Christine’s viral video

Sa viral video, makikita si Christine na umiiyak habang kausap ang isang staff ng “It’s Showtime.” 

Sinabi ni Christine na pinagmukha siyang ‘sinungaling’ ng show matapos bawiin ni Vice ang paghingi ng sorry sa searchee na si Axel Cruz, na kinall-out niya dahil sa paghalik nito kay Christine.

Vice Ganda, Christine and Axel It’s Showtime issue

Ayon kay Vice, nakausap ng kanilang psychologist si Christine at inamin nitong totoong na-off siya sa ginawa ni Axel. 

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Christine sa kanyang mga TikTok video kung saan sinabi niyang hindi siya na-off at na-misinterpret lang ang kanyang reaksyon.

Dahil dito, lumalabas na nagsinungaling si Christine dahil sa bagong pahayag ni Vice at ng It’s Showtime. 

Sa viral video, sinabi ni Christine, “Ma’am, mas lalo n’yo po silang binigyan ng dahilan para i-bash ako. Pinagmukha niyo akong sinungaling. Pano naman po ako? Hindi nga po kaya ng konsensya ko ang magsinungaling pero nung napanood ko yung video (ng pagbawi ni Vice ng kanyang apology kay Axel).”

Umiiyak na pakiusap ni Christine sa staff ng It’s Showtime, “Isipin nyo naman po yung sitwasyon ko ma’am.”

Content Creator, maaaring makasuhan dahil sa paglabag sa “Anti-Wiretapping Act”

Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang viral video ni Christine. 

Marami ang nagalit sa It’s Showtime at kay Vice habang ang iba ay nabahala sa iligal na pag-record at pag-upload ng pribadong pag-uusap ni Christine at ng staff ng It’s Showtime.

Isa na rito si MJ Felipe, na sa isang tweet ay ipinaalam na pwedeng kasuhan ang kumuha at nag-upload ng video dahil sa paglabag sa “Anti-Wiretapping Act” (Republic Act No. 4200).

Ani MJ, “Republic Act No. 4200, known as the ‘Anti-Wiretapping Act,’ prohibits the unauthorized interception or recording of any private communication or spoken word. I believe this was a private conversation.”

Nagpost ng video nina Christine at staff ng Showtime, kakasuhan?
PHOTO : MJ Felipe / comment on X (Twitter)

Sa ngayon, wala pang pahayag ang “It’s Showtime” at ang pamunuan ng ABS-CBN sa iligal na pagkuha at pag-upload ng video ng nasabing content creator.

Reaksyon ng Netizens sa isyu

Narito ang ilang komento ng netizens sa tweet ni MJ:

“Yes! Isa pa yan. Lagot! Sa rehas siya ngayon magko-content. Hahaha.”

“At saka bakit may nagre-record habang may pribadong pag-uusap?”

“Yan yung napapala nang pagpapacloutchase.”

“Puwede din kasuhan yung lalaki na nag-leak ng video.”


0 comments:

Post a Comment