Monday, June 3, 2024

Netizen, tinawag na mukhang tsokoy si Philmar Alipayo

May payo ang isang netizen sa dating aktres na si Andi Eigenmann kasunod ng pagkakasangkot ng fiancé niyang si Philmar Alipayo sa isang cheating issue.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lang ay mainit na pinag-usapan si Philmar matapos kumalat ang video nito kausap ang TikTok content creator na si Crissa Liaging.

Nilagyan ng malisya ng maraming netizens ang video dahil sa background music na nilapat dito ni Crissa na “Weak”.

Dagdag pa rito, naniniwala rin ang netizens na may “flirting” o landian na nangyari sa pagitan nina Philmar at Crissa dahil sa lapit nilang mag-usap.

Pinuna rin ng netizens ang pagiging topless ni Philmar at pagtaas nito ng kanyang mga braso na tila binabalandra ang kanyang katawan kay Crissa.

Netizen, pinayuhan si Andi Eigenmann na iwan na si Philmar Alipayo

Dahil sa isyu, kaya naman marami ang nadismaya kay Philmar dahil may fiancé at mga anak na ito pero nagagawa pa nitong makipaglandian sa iba.

Marami rin ang naawa kay Andi dahil sa ginawa nina Philmar at Crissa.

Isang netizen ang pinayuhan si Andi na iwan na si Philmar.

Tinawag pa ng netizen na mukhang “shokoy” si Philmar.

Ani ng netizen, “Iwanan mo ang shokoy na yan, kahit anong anggulo wala akong nakitang kagwapuhan niyan.”

Netizen, tinawag na mukhang tsokoy si Philmar Alipayo
PHOTO : Philmar Alipayo

Philmar, nagsalita na hinggil sa video nila ni Crissa

Samantala, nagsalita na si Philmar hinggil sa video nila ni Crissa.

Nakausap ng TV host na si Boy Abunda si Philmar nang ma-interview nito si Andi para sa episode ng programa nitong “My Mother, My Story” na ipapalabas na sa June 9.

Ayon kay Tito Boy, sinabi raw ni Philmar na nakainom siya at nagkaroon sila ng “friendly conversation” ni Crissa at iyon na raw iyon.

Hindi siya nakipaglandian kay Crissa.

Sinabi rin daw ni Philmar na tinawanan lang nila ni Andi ang video.

Pero nabahala raw sila dahil in-edit at in-upload daw ni Crissa ang video para gumawa ng isyu.

Ani Tito Boy, “Nakausap ko rin po ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo and for the first time, Philmar address itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video that is causing a stir on social media,

“What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi.”

“Kaya ‘nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue.”

Kasal nina Andi at Philmar ngayong taon, kanselado

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi na matutuloy ang kasal ngayong taon nina Andi at Philmar.

Sa isang panayam, inamin ni Andi na ipinagpaliban muna nila ang kanilang kasal kasunod ng pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.


0 comments:

Post a Comment