Thursday, June 27, 2024

Nadia Montenegro, nabulag ang isang mata dahil sa energy drink

Sa haba ng panahon, lakas loob na ibinahagi ng aktres na si Nadia Montenegro kung bakit hindi pantay at nabulag ang isa niyang mata.

Sa eksklusibong panayam ni Nadia sa show ni Aiko Melendez, naikwento ng aktres ang totoong dahilan kung bakit hindi na makakita ang isa nitong mata.

Dahil umano sa pagka-bulag ng isa niyang mata, nagdulot ito sa kaniya ng matinding depresyon at struggles sa buhay.

Nadia Montenegro, nabulag ang isang mata dahil sa energy drink
PHOTO : Nadia Montenegro

Ano ang dahilan kung bakit nabulag si Nadia Montenegro?

Sa pagbabalik tanaw ng seasoned actress, sobrang hirap umano ang kaniyang dinanas matapos mawala ang paningin sa kaniyang kaliwang mata.

Panimula ni Nadia : “Lalo na nu’ng nawala ’yong eyesight ko sa kaliwang mata ko noong 2007, I think, o 2008.”

Nagsimula umanong mabulag si Nadia matapos siyang lumahok sa isang Golf Tournament ng bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding pagod at uhaw.

Dahil sa uhaw, dali-daling naghanap ng maiinom ang aktres ngunit wala siyang makitang tubig sa paligid, ang tanging nakita niya lamang ay energy drink at dali-dali niya naman itong ininom.

Makalipas lamang ng ilang oras, agad na nakaramdam si Nadia ng sakit sa kaniyang tiyan, dito na agad nagtungo ang aktres sa banyo at napansin ng aktres na maraming dugo ang lumabas sa kaniya.

Nadia, isinugod sa malapit na ospital

Dahil maraming dugo ang lumabas kay Nadia, agad siyang isinugod sa ospital, dito na nila nalaman na nagka-internal bleeding na pala ang aktres dahil sa energy drink na kaniyang ininom.

Ayon pa kay Nadia na si Aiko Melendez umano ang kasama niya noong nawala ang paningin ng kaniyang kaliwang mata.

Ani Nadia : “Sabi ko, ‘Aiks, masakit ang tiyan ko.’ Bigla tayong pumunta sa… Puerto Azul. After nu’n wala na. Pag dating ko sa kuwarto puro dugo na ako nu’n,

“May ininom ako [energy drink] na nabutas ang tiyan ko na nag-internal bleeding lahat. Hindi na na-save ’yong kaliwang mata ko,

“Wala na. Blind na talaga, 2008 pa. Pero there’s like a little more, mga one/eight ng nerves gumagana pa. under medication s’ya para magmukha pa rin s’yang normal,” pagbabahagi ng aktres.


0 comments:

Post a Comment