Friday, June 7, 2024

OFW, pina-tattoo ang last grocery list ng pumanaw niyang kapatid

STORIES – Viral sa social media ang isang OFW na si Bojo Aquino matapos nitong pina-tattoo sa kaniyang braso ang huling grocery list ng kaniyang kapatid.

Kapag pumanaw ang isang mahal natin sa buhay, madalas tayong kumakapit sa mga alaala na mayroon tayo sa kanila.

Ito ang mga bagay at masasayang alaala na habambuhay nating dala-dala sa ating mga isipan at puso.

Para naman kay Bojo Aquino, isang OFW na nagtatrabaho sa Taiwan, ang huling grocery list na isinulat ng kanyang namayapang nakababatang kapatid ang isa sa mga alaala na hindi niya malilimutan tungkol dito.

Pina-tattoo ang Grocery List

Sa nasabing gorcery list ay nakasulat ang ilan sa mga paboritong pagkain ng kanyang kapatid na madalas daw ipabili nito sa kanya tuwing sahod niya.

OFW, pina-tattoo ang last grocery list ng pumanaw niyang kapatid
PHOTO CREDIT : Bojo Aquino

Kaya upang hindi mabura ang huling alaala niya sa kanyang kapatid, pina-tattoo ni Bojo sa kanyang braso ang naturang grocery list ng kaniyang mahal na kapatid.

Marami ang naantig at naiyak sa video na ibinahagi ni Bojo sa kanyang Facebook account kung saan ikwenento niya ang kwento sa likod ng kanyang kakaibang tattoo.

Ang nasabing tattoo ay ang huling grocery list nga na isinulat ng kanyang 13 taong gulang na kapatid na namatay noong Hunyo 2022 dahil sa severe Pneumonia.

Ayon kay Bojo, itinuturing niyang pinaka-memorable na tattoo ang grocery list ng kanyang kapatid.

Kailanman ay hinding-hindi raw niya pagsisisihan na ipinagawa niya ito, kahit umano hindi ito maintindihan ng ibang tao o hindi maganda sa kanilang paningin.

Narito ang kabuuang post ni Bojo:

“My youngest brother never failed to message me every payday. Bago pa makapagpadala, may sarili na syang listahan of goods for his own. Not until He died this June. This was the last grocery list he wrote, a few days before he passed away.

Sabi ko noon, my next tattoo will be my most memorable tattoo na hindi ko pagsisisihan. I know a lot of people will make fun of this. “Bat may Yakult, Doritos jan?”

As expected, people will laugh at things they don’t understand but I don’t care that much. For me, this is the most beautiful masterpiece I’ve ever had.”

Mensahe naman ni Bojo sa kanyang namayapang kapatid, “You will forever be my always, Lil bro. I miss you brother.”

Samantala, bumuhos ang komento ng maraming netizens na labis na naantig sa ipinakitang pagmamahal at pagpapahalaga ni Bojo sa mga alaala ng kanyang kapatid.

Komento nila:

“May mga ganung tao tlga,,ung very meaningfull sau,para sknila katatawanan lng,,minsan nga khit alm na nila qng gaano kamemorable sau un,sasabihin pa nila ang babaw nmn.db ganun ka insensitive ung iba.”

“Pay them no mind! It is beautiful and the story behind it. May the soul of your little brother rest in peace.”

“Nice ink! Sobrang memorable..its not about the design, its all about the meaning of the thats! Salute sau brother..”

“Touching story… a loving kuya to his younger brother”

“In deed a great story to cherished. so sad such a nice kuya and lovable.May god bless you as always.’

“So sorry for your loss, I was very touched, hindi ko napigilan mapaiyak! At least all he asked from you were granted bago sya nawala.”


0 comments:

Post a Comment