Friday, June 14, 2024

Daliri ng tao lumitaw sa ice cream, may kuko pa na kasama

Mumbai, India – Viral sa social media ang isang video na kung saan lumitaw ang daliri ng tao sa isang ice cream na inakala nila nung una ay isang mani.

Bumaliktad ang sikmura ng isang doktor matapos mapansin niyang may kakaiba sa kinakain niyang ice cream at tila may kuko pa ito.

Ano ang lumitaw sa sorbetes?

Ayon sa sinabi ng nagrereklamong si Dr. Orlem Brandon Serrao, nabili niya ang sorbetes na nasa cone online at nag-imbak siya ng marami dahil sa sobrang init ng panahon ngayon sa India.

Pagkatapos nitong matanggap ang kaniyang order na ice cream, kumain siya at sinubukan niya ang isa ngunit halos masuka siya matapos niyang mapansin na may nakabaon na daliri ng tao.

Sa una, akala niya’y mani (peanuts) lamang ito, ngunit habang tumatagal napansin na niya na ito ay isang daliri ng tao dahil sa kuko nito.

Daliri ng tao lumitaw sa ice cream, may kuko pa na kasama
PHOTO : Daliri ng tao sa ice cream

Ani Dr. Orlem : “I am a doctor so I know how body parts look like. When I carefully examined it, I noticed the nails and fingerprint impressions under it. It resembled a thumb. I am traumatized,”

Ice cream from Walko Food Co. LTD.

Dahil sa nangyari, nagsampa ng kaso at reklamo ang doktor sa kompanya ng sorbetes na Walko Food Co. LTD. at dinala ang parte ng katawan ng tao sa awtoridad.

Agad naman na natanggap ng kompanya ang reklamo ng doktor at naglabas sila ng kanilang pahayag na makikipagtulungan raw sila sa imbestigasyon.

“We have stopped manufacturing at this third-party facility, isolated the said product at the facility and our warehouses. We are in the process of doing the same at the market level,” ani ng Walko Food Co. LTD..

Samantala, kapag napatunayan na may pagkukulang ang kompanya ng “finger ice cream” haharap ito sa patung-patong na kaso at magbabayd ng malaking damages dahil sa nangyari.

Sa ngayon ay patuloy parin na inaalam ng awtoridad kung totoong parte ito ng katawan ng tao at kung paano ito nakarating sa ice cream na nabili ni Doctor Orlem Brandon Serrao.

Marami naman sa mga netizens ang nandiri at na-trauma dahil sa video na kanilang nakita anila :

“Mas naawa pa ko dun sa naputulan ng kamay dahil once na maputulan ka ng kahit saan parte ng katawan bababa ang confidence mo at mahihiya kana sa ibang tao kesa sa kumakain ng sorbetes na may nakita putol na kamay”

“mahilig kc cla gumamit ng kamay kpag naghahalo ng mga pagkain kya hnd maiwasan mangyari tlga yan”

“Kaya fav ko talaga ang icecream ee may pa surprise. Yummyyyyy”


0 comments:

Post a Comment