Thursday, June 13, 2024

Gerald Anderson at Julia Barretto, magpapa-kasal na

Magpapa-kasal na ang aktor na si Gerald Anderson at ang aktres na si Julia Barretto, ayon pa kay Gerald malapit na raw itong mangyari.

Sunod-sunod ang mga artista na nagpapakasal. 

Pinaka-latest lamang ay ang aktor na si Carlo Aquino na pinakasalan ang aktres na si Charlie Dizon

38 years old na si Carlo habang 28 years old naman si Charlie. 

Gaya ni Carlo, masasabing “passed the marrying age” na rin ang aktor na si Gerald Anderson na ngayon ay 35 years old na.

Gerald, gusto nang mag-asawa

Nang tanungin ng broadcaster at vlogger na si Karen Davila sa vlog nito na in-upload nitong June 6, inamin ni Gerald na handa na siyang lumagay sa tahimik o mag-asawa. 

Sa katunayan, isiniwalat ni Gerald na “malapit” na raw siyang magpakasal. 

Ibig sabihin nito, malapit na rin niyang alukin ng kasal ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto na kaka-27 years old pa lang noong March 10. 

Tanong ni Karen kay Gerald, “Kailangan mo na ba talaga ng misis to keep the house?” 

Sagot naman ni Gerald, “Actually, malapit na. Kailangan kasi siya yung mag-ano sa household, siya yung magbabantay.”

Lingid sa kaalaman ng marami, mag-isa lamang si Gerald sa kanyang bahay sa Quezon City na katabi lang ng kanyang gym business.

Inamin naman ni Gerald na kung three to five years ago daw siya tinanong kung handa na ba siyang magpakasal, ‘hindi’ raw ang kanyang magiging sagot. 

Pero ngayon na 35 na siya, malapit na raw siyang magpakasal.

Gerald, malapit nang alukin ng kasal si Julia

Tanong ni Karen, “But you are ready? Is that fair? Are you ready for marriage?” 

Sagot naman niya, “Siyempre, 35 na po ako. Mas malapit na ako dun sa… I’m closer to that. Kasi kung five, three years ago, tinanong niyo sa akin yan, ‘Hindi, hindi.’” 

Inamin din ni Gerald na ang mga ginagawa niya ngayon, lalo na sa pagtatrabaho, ay para sa kanyang bubuuing pamilya. 

Aniya, “That’s why I’m doing all of this. Kasi gusto ko alagaan yung mga anak ko. Na wala silang iisipin. But hindi sila puwede maging spoiled. Kasi hindi madali ang buhay. So, yun. Just… everything I do in life is leading up to yung aspeto na yan.”

Julia, sasagutin ng “yes” si Gerald Kung magpo-propose ito sa kanya

Samantala, mukhang ‘yes’ naman ang magiging sagot ni Julia kung sakaling aalukin siya ng kasal ni Gerald. 

Kung matatandaan, noong 2022 ay natanong si Julia ni Boy Abunda sa isang episode ng YouTube show nito kung natatakot ba siya sa ideya na magpakasal. 

Deretsahang sinabi ni Julia na “hindi”; sa katunayan, mas “excited” pa raw siya sa ideya ng kasal. 

Ani Julia, “I’m not scared. Marriage? Exciting. [I’m] curious.”

Kaya kung tatanungin daw siya ni Gerald ng kasal ay walang pagdadalawang-isip niya itong sasagutin ng “yes”.

Isinapubliko nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon noong 2021.


0 comments:

Post a Comment