Sunday, June 30, 2024

Bea Alonzo, kinasuhan ng dati niyang driver ng labor case

Kinasuhan ang aktres na si Bea Alonzo ng kanyang dating driver na si Efren Torres Delos Reyes sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nahaharap ngayon sa matinding kontrobersiya ang Kapuso actress na si Bea.

Cristy Fermin, ibinalitang sinampahan ng patong-patong na reklamo si Bea Alonzo ng kanyang dating driver

Unang ibinalita ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang radio program ang reklamo ni Delos Reyes, kung saan hawak niya ang kopya ng reklamo.

Ayon kay Cristy, nag-ugat ang reklamo dahil sa hindi umano pagbabayad ni Bea ng night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th-month pay, at separation pay.

Bea Alonzo, kinasuhan ng dati niyang driver ng labor case
PHOTO : Labor cases of Bea Alonzo

Ani Cristy, “Ito, nakuha ko ito, lehitimong balita po ito dahil ang dati pong driver ni Bea Alonzo, na ang tunay na pangalan ay Phylbert Angelli Ranollo, nagkaso po siya… Naghain na po ng kaso si Efren Torres Delos Reyes, Jr. sa NLRC Department of Labor and Employment.”

Sinabi rin ni Cristy na nakatakdang magharap ang kampo nina Bea at Delos Reyes dahil sa mga kasong isinampa ng huli.

Aniya, “Bibigyan po sila ng pagkakataong magkausap at magkita sa gitna dahil napakarami po ng reklamong isinumite nitong si Efren Torres. Si Bea Alonzo po ay kailangang kumilos para dito dahil may balita tayo na may mga susunod pa na maghahain din ng reklamo sa NLRC.”

Isyu sa dating driver ni Bea, isa sa mga dahilan kung bakit niya sinampahan ng cyber libel si Cristy

Isiniwalat din ni Cristy na may kinalaman ang isyu ni Delos Reyes kaya siya sinampahan ng kasong cyber libel ni Bea.

Ani Cristy, “Isa po ito sa mga dahilan kung bakit tayo kinasuhan ni Bea. Isa ito, isa itong sa driver…”

Matatandaang noong nakaraang Marso ay isiniwalat ni Cristy na pinalayas umano ni Bea ang kanyang kasambahay at driver.

Nabanggit din ni Cristy na nagra-rant umano sa social media ang girlfriend ni Delos Reyes dahil sa kondisyon ni Bea na kapag nabangga ang kanyang sasakyan, pababayaran ito kay Delos Reyes.

Ani Cristy, “Yung sa driver ang ipinagtataka ko, Romel, eh, kasi bakit kailangan kapag nabangga ang sasakyan ay pababayaran sa driver? Bakit wala bang insurance itong mga sasakyan ni Bea Alonzo?”

Bea Alonzo, nagsalita sa labor case na isinampa laban sa kanya ng dating driver

Samantala, nagsalita naman si Bea hinggil sa mga reklamo laban sa kanya ng kanyang dating driver.

Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Joey Garcia ng Garcia Elauria Ruanto & Associates, iginiit ni Bea na isang harassment case lamang ang reklamo ni Delos Reyes.

Iginiit ng kampo ni Bea na kahina-hinala ang timing at intensyon ng pagsasampa ng labor case ni Delos Reyes.

Tila sakto raw ito sa pagsasampa ng kaso ni Bea ng reklamong cyberlibel laban sa karelasyon ni Delos Reyes.

Matatandaang kinasuhan din ni Bea ang karelasyon ni Delos Reyes dahil ito umano ang nagpapakalat ng malisyosong impormasyon tungkol sa kanya at “source” ng mga impormasyon na binabahagi ni Cristy sa kanyang mga programa.

Bukod dito, tila malabo, hindi makatarungan, at hindi makatotohanan umano ang mga alegasyon ni Delos Reyes laban kay Bea.

Nilinaw nila na tatlong buwan lamang nanilbihan si Delos Reyes, at hindi bilang personal driver ni Bea kundi bilang service driver ng pamilya nito.

Pahayag ng abogado ni Bea, “The timing of Mr. Delos Reyes’ filing of the labor case is highly suspect.

“Since he was made a witness to one of the respondents among the criminal cases we filed, not to mention him being a lover as admitted, the intent behind said filing and the timeliness of such filing are too obvious not to be noticed.

“His acknowledgment of being involved as a lover clearly magnifies his bias and undermines his credibility, which puts into question or doubt the true intent behind his and her lover-respondent’s legal maneuvers.

“For the record, Mr. Delos Reyes only served as a service driver of the family and only for a short period of 3 months. He was not even assigned as Bea’s personal driver for her professional engagements. Thus, his claims seem farfetched, unreasonable, if not unrealistic.

“It’s nothing but a pure harassment case, a desperate attempt to sponge off, an obvious act capitalizing on the criminal case.”


0 comments:

Post a Comment