Saturday, June 8, 2024

MTRCB Chair Lala Sotto, sinabing tama ang ginawa ni Vice Ganda

IT’S SHOWTIME – Ayon sa MTRCB Chairperson na si Lala Sotto, wala umanong mali na ginawa ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa pagsita nito kay Axel Cruz.

Sa latest Youtube show episode ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, wala umanong violation na ginawa ang mga hosts ng It’s Showtime maging ang main host ng programa na si Vice Ganda.

Kung ating babalikan, binatikos ng maraming netizens ang searchee na si Axel Cruz sa isang segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You” noong May 31.

Nakaw na halik?

Nagsimula ang lahat dahil sa tangkang paghalik umano ni Axel sa isang searcher na si Maria Christine matapos matanggal si Axel sa pinagpipilian na mga contestants.

Una, binigyan ng pagkakataon ng It’s Showtime hosts na makapagbigay ng mensahe si Axel para kay Christine.

Dito na nilapitan ni Axel si Christine para magkipag-high five at biglang nilapit niya ang kaniyang mukha kay Christine para umano bumeso.

Christine sa It’s Showtime: “Pinagmukha n’yo akong sinungaling”
PHOTO : Axel Cruz, Vice Ganda and Christine

Sa isang anggulo ng kamera, parang akma na hahalik si Axel kay Christine, dahil dito biglang nagsalita ang komedyanteng si Vice Ganda para pangaralan si Axel.

Ani Vice : “Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

“Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik,” babala ni Vice.

Kaya naman, dito na umingay ang mundo ng social media dahil sa paninita at pamamahiya umano ni Vice kay Axel habang live ito sa free TV.

Dahil dito ay nakatanggap ng maraming batikos si Vice Ganda mula sa madlang pipol, pinahiya umano ng komedyante ang searchee na si Axel at sinabihan pa na tatadyakan ito.

Lala Sotto sa issue ni Vice Ganda, Axel Cruz at Maria Christine sa It’s Showtime

Dahil sa ingay ng issue na ginawa ng “Expecially For You” segment ng It’s Showtime, minabuti ni Ogie Diaz na hingan ng pahayag ang Chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto, dito nakuha niya ang sagot na wala umanoong violation ang mga hosts ng It’s Showtime.

Kwento ni Ogie : “Wala raw iyon, walang violation nangyari at sinabi nga ni Chairman Lala Sotto kasi hinihingan ko ng statement ang MTRCB at sinabi  niya na, ‘I don’t have an official statement, but in my opinion the hosts acted appropriately on the given situation. Ganu’n lang kasimple ‘yun.”

Ibinahagi rin ni Ogie Diaz na baka raw ayaw na magsalita ng MTRCB tungkol sa issue ay dahil takot umano ang mga ito na kuyugin ng mga bashers.

“Kung ako kilala ko si Lala ayaw na niyang masyadong magsasalita I’m sure maraming humihingi ng panig niya. siyempre pag nagsalita si Lala, iba-bash si Lala kasi nga kalaban ‘yung Tatay (Tito Sotto) ‘yung Eat Bulaga ng show ni Vice,

“And ang alam ko ay paboritong panoorin ni Chairman Lala ang ‘Expecially For You’ kaya alam niya na wala raw violation na nangyari at tama lamang daw ‘yung ginawa ni Vice na pag-call out.

“Iba-iba ang opinyon ng mga tao depende na lang talaga kung pagaganahin mo ang pagiging balanse mo o pagiging fair mo doon sa pangyayari,” dagdag pa ni Ogie.


0 comments:

Post a Comment