Friday, June 14, 2024

Papaya ni Alex Gonzaga, dinakma ng isang fan sa Ormoc, Leyte

Viral sa social media ang video na kung saan dinakma ng isang fan ang dibdib ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga sa Ormoc, Leyte.

Sa isang video na ibinahagi ni Alex sa kaniyang Instagram, naloka ang vlogger matapos silang bumisita sa Ormoc, Leyte kasama ang kaniyang asawa na si Mikee Morada.

Alex Gonzaga dinakma ang dibdib sa Ormoc, Leyte

Sa video na kuha sa naturang event, makikitang nagkakagulo ang mga tao sa paligid habang naglalakad sina Alex at Mikee Morada.

Dito na nagulat si Alex at nakunan pa ng video ang pag-dakma ng isang fan sa kaniyang dibdib.

Papaya ni Alex Gonzaga, dinakma ng isang fan sa Ormoc, Leyte
PHOTO : Alex Gonzaga at Ormoc, Leyte

Caption pa ni Alex : “POV: Ang gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-ORMOC.”

“Kala ni ate, asawa ko nadibdiban niya, tumili pa! Akun yun nilapirot mo teh,” sey ni Alex sa video.

“The story of my life as a flat girl.” dagdag pa ni Alex.

Marami namang netizens ang napa-komento sa video na ito ni Alex, umani ito ng samu’t-saring reaksyon at may ibang netizens na hindi nagustuhan ang pagdakma sa papaya ni Alex.

Ani nila : “It’s a no no for me kahit flat screen ka [emoji] charrr haha pro hindi yan sadya ni ate for sure. sabik lang siya mahawakan ka without realizing na baka iba na yung mahawakan niya….. at ayun nga iba nga talaga yung nahawakan,”

“swerte naman nun, nakahawak sya ng mamahaling pader”

“This is unbelievable. This is not a funny matter at all. I hope they reprimand and sanction the person who did this to you Alex. Mygosh! This is never going to be okay! Not acceptable at all.”

“This is sad but nakakabastos but Ms. Alex handled it well., kasi kung sa iba bigdeal na yan.. So sad pwede naman kasi humanga ng maayos eh,”

Para naman kay Alex, hindi naman bigdeal sa kaniya ang pag-dakma ng isang fan sa kaniyang dibdib dahil hindi naman raw ito sinasadya.


0 comments:

Post a Comment