Inamin ng aktres na si Dina Bonnevie na mahigit isang minuto umano siyang pumanaw matapos mahimatay habang nire-revive sa ospital.
Ibinahagi ni Dina na humiwalay umano ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan hanggang sa nakarating siya sa hindi niya maipaliwanag na lugar.
Ayon pa sa mga eksperto, nakaranas ang aktres nang tinatawag na near death experience o NDE.
Dina Bonnevie near death experience
Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Dina Bonnevie sa latest vlog ni Amy Austria sa social media at ayon pa sa aktres na ang pangyayaring ‘yon ay ang kaniyang “near death experience”.
Ayon pa kay Dina Bonnevie siya raw ay naging “clinically dead” habang ito ay naka-confine sa ospital, tinatawag rin ng mga eskperto sa kalusugan ang nangyari sa aktres ay isang uri ng NDE (nararanasan umano ng tao kapag nasa binggit na ito ng kamatayan).
Dina Bonnevie health
A near-death experience (NDE) is a profound personal experience associated with death or impending death, which researchers describe as having similar characteristics.
Dito na sinabi ni Dina na masyado na niyang napabayaan ang kaniyang health o kalusugan dahil sa kaniyang mga trabaho.
Ani Dina Bonnevie : “Actually, na-clinically dead ako for a minute and 10 seconds. siguro overfatigue kasi that time ang dami-dami kong ginagawang pelikula, sabay-sabay. and then nagda-dubbing ako, and I was promoting yung movie ko,
“Right after, parang kulang na lang bumagsak ako. tumakbo na ako sa kotse. pagdating sa bahay, ang nakita ko si Danica. ang una ko lang nasabi was, ‘Danica, call Ninang Doctor,”
Ibinahagi rin ni Dina na matapos siyang isugod sa ospital ay wala umano siyang makita at sobrang hirap raw huminga.
Aniya : “Long story short, tinakbo ako sa ospital. going to the hospital pa lang wala na akong makita.
“Blinded na yung vision ko kasi hirap na hirap na akong huminga. super asphyxiated na ako. parang nagba-violet na ako dahil I couldn’t breathe.
“Pagdating sa hospital, doon na yung narinig ko na sinabi na, ‘Put her on two liters of oxygen.’ ‘Doc, no response.
“And then I looked at the bed where I was. nakita ko na parang may silver na cord na nakadikit doon sa pusod ko.”
Dina Bonnevie naranasan ang near death experience
Naglakbay umano ang kaluluwa ni Dina sa lugar na hindi niya alam kung saan at sobrang dilim ng paligid, naramdaman rin umano ng aktres ang kapayapaan at biglang nagkaroon ng malakas na ilaw sa paligid.
Pagbabahagi niya : “Then para akong pumasok sa mahabang-mahabang roller coaster ride na napakadilim.
“Parang from the long tunnel, lumabas ako. tapos biglang hindi ko lang talaga totally ma-describe. hindi totoo yung mga harp-harp music na yan. hindi yan yung narinig ko.
“It’s just talagang pure peacefulness, calmness. yun talagang parang totally na-uplift ako, na parang, wow, ang sarap ng feeling na ito. parang ganoon yung feeling”
Dina, may nakitang ilaw habang naglalakbay
Kahit hindi makakita ang aktres, may nakita umano itong malakas na ilaw na lumapit sa kaniya.
“Biglang may malakas na malakas na ilaw na pumunta sa akin. sabi ko, ‘ano iyon? I can’t see.” ani ng aktres.
Dagdag niya : “Parang walang voice. parang kinakausap ka through the mind, parang telepathic, na, ‘Are you ready to come with me, my child?’ Yes, yes, yes. I wanna go with you,
“Tapos hagulgol na ako nang hagulgol, not because of fear, but because of so much love, na parang ang sarap ng feeling na ito.
“Parang mas masarap pa sa hug ng anak, sa hug ng ama, ng ina, naiyak ako sa sobrang sarap ng feeling… na mahal na mahal ako nito kung anumang light na ito”
Dina Bonnevie daughter
Habang naglalakbay na umano ang aktres kasama ang malakas na ilaw, bigla umano niyang naalala ang kaniyang anak.
Aniya : “Sabi ko, ‘wait, I remembered something.’ sabi ko naiwan ko yung daughter ko.
“And then sabi ko, ‘just give me a chance. I just want to talk to my daughter just for a while,’ kasi parang umaandar na kami. kung saan pupunta, hindi ko alam.
“And then I heared a sound na, ‘Ma!’ kung saan nakita ni Dina sa dulo ng tunnel si Danica at inaabot ang kamay nito sa kanya.
“The minute na hinawakan ko yung kamay niya, nagising na ako sa ospital. Dinidi-fibrillator na nila ako. Yung sina-shock para gumising,
Dagdag pa niya : “Lahat tayo meron tayong purpose kung bakit tayo nabubuhay sa mundo, pero kailangan nating i-fulfill yung purpose na iyon, kailangan nating gawin.”
0 comments:
Post a Comment