Wednesday, June 26, 2024

New boyfriend ni Bea Alonzo, ibinulgar ni Ogie Diaz

Ibinulgar ni Ogie Diaz ang tungkol sa new boyfriend umano ni Bea Alonzo, naglabas rin ito ng mga litrato na mula sa isang airport na spotted ang dalawa.

Tila ayaw patinag ng talent manager na si Ogie Diaz dahil kahit sinampahan na siya ng cyber libel case ni Bea Alonzo, lagi pa rin itong ‘bida’ sa kanyang ‘Showbiz Update’ vlog.

Sa latest episode nga ng kanyang vlog nitong Martes, June 25, muling pinag-usapan ni Ogie at ng kanyang co-host na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh si Bea, partikular na ang buhay pag-ibig nito ngayon.

Matatandaang nauna nang isiniwalat ni Ogie na may bago na raw boyfriend si Bea na isa raw Half-Pinoy at Half-foreigner.

Pero dineny ni Bea sa kanyang recent interview na may bago na siyang pag-ibig makalipas ang hiwalayan nila ng kanyang fiance na si Dominic Roque.

Ayon pa kay Bea, masaya pero “very single” raw siya ngayon.

Kasunod nito, tila tinawag naman na sinungaling ni Ogie si Bea dahil matapos ang interview nito ay naglabas naman siya ng isang cryptic post.

Sa kanyang cryptic post, pinasaringan ni Ogie si Bea na huwag nang magsinungaling dahil may ‘ebidensya’ umano siya.

Ani Ogie, “Wag nang magsinungaling. Hawak ko ang ebidensya. Wala namang masama. Matutuwa pa nga kami eh. Bakit kailangang ilihim?”

Bea, spotted kasama ang rumored boyfriend?

At sa kanyang latest vlog, tila inilabas na nga ni Ogie ang sinasabi niyang ebidensya na may bago nang boyfriend si Bea.

Ito ay ang larawan ni Bea na nasa airport kasama ang rumored new boyfriend nito.

New boyfriend ni Bea Alonzo, ibinulgar ni Ogie Diaz
PHOTO : Bea Alonzo and rumored boyfriend

Ayon kay Ogie, ipinadala sa kanya ng isang netizen ang larawan na nakakita kay Bea sa airport kasama ang isang foreigner.

Sinabi pa raw ng source na magkahiwalay sina Bea at ang lalaking sinasabing bagong boyfriend nito.

Pero magkatabi naman daw ang dalawa nang upuan sa eroplano.

Sinabi rin ng source na sabay na sumakay sa Cathay Pacific airline si Bea at ang kanyang rumored new boyfriend.

Ani Ogie, “‘Yung isa kong source nagsasabing, ‘ah wala ba siyang dyowa ngayon? Single ba siya?’ Tinatanong ako (pero) hindi ko naman masagot! Pero kasi sinasabi sa akin ng source ko, ‘sino ‘yung kasama ni Bea sa airport na lulan ng Cathay Pacific, siguro mga a week ago?’ ‘Yun nga, may kasama nga raw na foreigner si Bea pero magkahiwalay daw sila…”

“Kaya ang siste nga niya ay wala akong maisagot sa nagtatanong sa akin (dahil) hindi ko alam. Mas magandang si Bea na lang ang sumagot n’yan kung ano ‘yung kanyang rason bakit hiwalay sila sa pagpasok at paglabas ng eroplano…Pero sabi ng source ko, sa aisle ng eroplano ay magkatabi sila na parehong gilid, ‘yun ‘yung nasa window na solo-solo lang daw,” dagdag ni Ogie.

Hinamon naman ni Ogie si Bea na sagutin kung sino ang lalaking kasama niya sa airport.

Ani Ogie, “Yan ay nakakarating lang sa akin pero mas maganda kung si Bea ang sumagot no’n at kung magkaibigan lang sila, e, di at least nagkakaroon ng panahon si Bea sa kanyang sarili.”


0 comments:

Post a Comment