Ayon kay Cristy Fermin, nakarating umano sa kanya ang balita na magpapa-kasal na sina Carlos Yulo at ang girlfriend nito na si Chloe San Jose sa Australia.
Maliban rin umano sa nasagap niyang chika na magpapa-kasal na ang dalawa, nagbabalak umano ang mga ito na i-invest ang lahat ng milyon-milyong premyo na natanggap ni Carlos.
“Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nakakuwentuhan ko tungkol kay Carlos Yulo at kay Chloe San Jose.. magpapakasal na raw sila sa Melbourne [Australia].” panimula ni Cristy Fermin.
“Ako nu’ng marinig ko ‘yun, [sabi ko] ‘Tama, matibay na kasi ang kanilang pundasyon.’ At heto lagi nating sinasabi ito, kung sino ‘yung nakasama natin sa dilim na nag-abot ng kahit isang kandila, ‘yun ang ating mamahalin,” dagdag ng kolumnista.
Para naman kay Cristy Fermin na deserved umano nina Carlos at Chloe ang magpa-kasal, dahil noon pa man ay silang dalawa na ang nagda-damayan sa hirap o ginhawa kahit noong walang-wala pa si Carlos.
Aniya : “Kung sino ‘yung nakasama natin sa dilim na kahit nag-abot ng isang kandila, ‘yun ang ating mamahalin,
“Sila talaga ang dapat magkatuluyan, dahil sila yung nagsama at naging magkarelasyon noong walang-wala pa si Caloy” dagdag ni Cristy.
Carlos Yulo, inspirasyon pa rin ang pamilya sa kabila ng alitan
Sa kabila ng alitan nila ng kanyang ina, pinasalamatan pa rin ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang kanyang pamilya.
Kamakailan lang ay nag-guest si Carlos sa TV show ni Willie Revillame na “Wil To Win” at natanong ni Willie si Carlos kung sino ang inspirasyon niya sa buhay.
Sagot ni Carlos: ang Diyos, ang kanyang pamilya, at ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.
Ani Carlos, “Unang-una po, si Lord, grabe po yung ibinigay Niya na talento, lakas, guidance. Sobrang blessed po ako throughout the game at sa mga naranasan ko sa buhay. Palagi Siyang nandiyan.”
Dagdag niya, “Family, siyempre, yung partner ko na palaging…grabe, yung well-being ko at mental health na nasusuportahan ako sa lahat.
“Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay. Naaalagaan ako, hindi lang bilang atleta, kundi bilang tao na rin po.
“Wala po akong masabi kundi pasasalamat. Thank you sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko po alam, pero ito po yung naging resulta ng pagsusuporta nila. Maraming salamat po.” ani Carlos.
0 comments:
Post a Comment