Friday, September 13, 2024

Angelica Yulo, naka-tanggap ng mga regalo mula kay Rudy Baldwin

Labis ang pasasalamat ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo, matapos siyang padalhan ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin ng mga regalo.

Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes, September 13, ibinandera ni Angelica ang mga regalong ipinadala sa kanya ni Rudy.

Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikitang pinadalhan siya ni Rudy ng 10 sakong bigas, isang mamahaling relo, mga damit, at isang rebulto ni Sto. Niño.

Angelica Yulo, naka-tanggap ng mga regalo mula kay Rudy Baldwin
PHOTO : Rudy Baldwin gifts to Angelica Yulo

Sa caption, taos-pusong pinasalamatan ni Angelica si Rudy dahil sa kabutihang ipinakita nito.

Ayon kay Angelica, “Thank you so much Madam Rudy Baldwin for these. God bless your kind heart.”

Angelica Yulo, tuloy ang buhos ng biyayang natatanggap sa gitna ng alitan nila ni Carlos!

Umani naman ng samu’t saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagbibigay ng regalo ni Rudy kay Angelica.

Hirit pa ng netizens, ‘deserved’ umano ni Angelica ang mga regalong natatanggap niya dahil isa siyang huwarang ina.

Komento ng ilang netizens:

“Ikaw ang deserving sa mga blessings na ‘yan. God bless din sa mga nagbibigay ng kanilang blessings. Darating din ang kapayapaan. Maraming nagmamahal sa’yo. Ingat lagi, Yulo Family.”

“Congratulations, Madam Angelica Poquiz Yulo. God is good, hindi natutulog ang Diyos. Sending love.”

“Wow! Congratulations po, Mommy Angelica Poquiz Yulo. More blessings to come po.”

“Deserve mo ‘yan, Madam. Salamat kay Rudy Baldwin. God bless sa Yulo at Baldwin Family. Mabuhay po kayo.”

Rudy Baldwin, nakitang magiging Olympic gold medalist ang mga kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Eliza

Samantala, hindi malinaw kung matagal nang may koneksyon o personal na kakilala ni Angelica si Rudy, bukod sa pagiging isang sikat na psychic sa social media.

Maraming hinuha na narating ni Rudy ang mga isyu na kinasangkutan ni Angelica at Carlos, lalo na pagkatapos ng tagumpay ni Carlos sa Olympics.

At base sa pagpapadala ni Rudy ng mga regalo, tila sinusuportahan niya si Angelica sa gitna ng alitan nito kay Carlos at sa girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.

Matatandaang noong August 28, nag-post din si Rudy kung saan ipinahayag niya na magiging gold medalists din ang mga nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Eliza sa darating na 2028 Los Angeles Olympics.

Lingid sa kaalaman ng marami, kapwa gumagawa rin ng pangalan sa larangan ng gymnastics sina Eldrew at Eliza.

Ayon kay Rudy, “GOLD MEDALS FOR THE NEXT OLYMPICS. KEEP BELIEVING IN GOD AND HAVE FAITH IN HIM. BELIEVE IN YOURSELF THAT YOU CAN DO IT AND YOU CAN HAVE IT. STAY HUMBLE AND DON’T FORGET TO LOVE YOUR FAMILY ALWAYS. GO FOR GOLD!”


0 comments:

Post a Comment