Isiniwalat ng dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang totoong dahilan kung bakit siya nag-desisyon na umalis ng Pilipipinas.
Ayon kay Interior Secretary na si Benhur Abalos sa isang press conference, lumapit umano sa kanya si Alice para humingi sa kanya ng tulong para sa seguridad ng dating alkalde.
“Sec, patulong. may death threats po kasi ako,” hiling ni Alice kay Abalos.
Ayon pa kay Alice, matapos umano silang magkita ni Sec. Abalos sa Indonesia ay mas napanatag umano ang loob niya dahil feeling niya ay ligtas na siya.
“Kino-confirm ko po ang lahat po ng sinabi ni Sec. na mayroon po kong death threats po at humingi po ako ng tulong po sa kanila at masaya din po ako na nakita ko sila. I feel safe po, maraming maraming salamat po” pagbabahagi ni Alice.
Para naman kay Abalos, magsabi lamang ng pawang katotohanan si Alice ay sigurado na makakatanggap siya ng proteksyon mula sa kapulisan.
“Sabi natin sabihin mo lahat at poproteksyunan ka ng police, importante malaman natin ang totoo.” ani Abalos.
Alice Guo, nahuli sa Indonesia
Kung ating babalikan, kinumpirma ng PAOCC o Presidential Anti-Organized Crime Commission ang pagka-aresto kay Alice sa Indonesia.
Si Alice ay nahuli na naka-check in sa isang hotel sa Tangerang City Jakarta, Indonesia nitong Miyerkules, September 4.
Sa pag-kumpirma ng PAOCC, naaresto umano si Alice bandang 1:30 ng madaling araw at ayon naman sa BI o Bureau of Immigration, palipat-lipat umano si Alice ng hotel sa Indonesia na halos dalawang araw lang ang tinatagal nito kada hotel na tinutuluyan niya para makaiwas sa awtoridad.
Matatandaang noong July 13, nag-isyu ng arrest order ang Senado laban kay Guo, o Guo Hua Ping, matapos siyang hindi sumipot sa isang hearing.
Ngunit kasunod nito, bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.
Hanggang isang nakakagulat na impormasyon ang nasagap ng National Bureau of Investigation—nakaalis na ng bansa si Alice.
Kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page nitong Lunes, August 19, na wala na sa Pilipinas si Guo.
0 comments:
Post a Comment