Wednesday, September 4, 2024

Alice Guo nahuli na, matapos palipat-lipat ng hotel sa Indonesia

Kinumpirma ng PAOCC o Presidential Anti-Organized Crime Commission ang pagka-aresto sa dismissed Bamban Mayor na si Alice Guo sa Indonesia.

Si Alice ay nahuli na naka-check in sa isang hotel sa Tangerang City Jakarta, Indonesia nitong Miyerkules, September 4.

Sa pag-kumpirma ng PAOCC, naaresto umano si Alice bandang 1:30 ng madaling araw at ayon naman sa BI o Bureau of Immigration, palipat-lipat umano si Alice ng hotel sa Indonesia na halos dalawang araw lang ang tinatagal nito kada hotel na tinutuluyan niya para makaiwas sa awtoridad.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Indonesian Police sa Jatanras Mabes Polri si Alice, nakikipag-ugnayan na rin ang Immigration ng Pilipinas sa Indonesia para sa agarang pagbabalik ni Alice sa ating bansa.

Alice Guo, matagal nang nakaalis ng Pilipinas

Matatandaang noong July 13, nag-isyu ng arrest order ang Senado laban kay Guo, o Guo Hua Ping, matapos siyang hindi sumipot sa isang hearing. 

Ngunit kasunod nito, bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.

Alice Guo, nakatakas; matagal nang nakaalis ng Pilipinas
PHOTO : Alice Guo

Hanggang isang nakakagulat na impormasyon ang nasagap ng National Bureau of Investigation—nakaalis na ng bansa si Alice.

Kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page nitong Lunes, August 19, na wala na sa Pilipinas si Guo.

Ayon kay Sen. Risa, “BREAKING NEWS! Si Alice Guo o Guo Hua Ping ay nakaalis na ng Pilipinas! [angry face emoji].”

Bilang patunay, ipinakita niya ang isang dokumento na nagpapakitang noong July 18 pa umalis si Guo patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Ani Sen. Risa, “I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo. Siya po ay pumasok ng 12:17:13 ng July 18.”

Dagdag pa ni Sen. Risa, tugma ang nakuhang travel documents ng NBI sa Philippine passport ni Guo, kaya’t kumpirmadong siya nga ito.


0 comments:

Post a Comment