Thursday, September 5, 2024

Tito Mars kay Carlos Yulo : “Tangina mahiya ka naman!”

Hindi pinalampas ni Tito Mars ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo matapos niyang mapanood ang live selling video ni Angelica.

Kung ating babalikan, nag-viral ang live selling video ng ina ni Carlos na si Angelica sa social media noong September 3.

Sa live selling ng ina ni Carlos, kasama nya rito ang isa pa niyang anak na si Eldrew Yulo na isa ring atleta o gymnast.

Dahil sa sobrang daming viewers ang naka-tambay sa live selling ni Angelica, masaya ito na tinapos ang kanyang live na umabot sa 3 hours at halos maubos rin ang binibenta nilang mga produkto.

Ang mga produkto ni Angelica ay may tag price na P250 para sa binebenta niyang skin care products habang P500 pesos naman ang presyo ng mga branded tshirts.

Angelica Yulo, nag live selling para kumita ng pera
PHOTO : Angelica Yulo live selling

Tito Mars, sinabing dapat “mahiya” si Carlos Yulo

Matapos mapanood ni Tito Mars ang online selling ng ina ni Carlos na si Angelica ay agad ito na nagbigay ng kanyang reaksyon.

Para kay Tito Mars, dapat umanong mahiya si Carlos dahil sa kabila ng yaman, endorsements at mga properties na natatanggap ng atleta ay hindi nito nagawang tulungan ang kanyang pamilya.

“Carlos Yulo, binigyan mo manlang ba kahit papano yung nanay mo?” panimula ni Tito Mars.

“Tingnan mo yung ginagawa ngayon.. nag-oonline selling nalang ng mga damit P500.. Diyos ko naman…sabihin nalang natin na winalang-hiya ka..ninakawan ka ng pera? ginastos yung isang milyon mo… pero grabe naman na gaganyanin mo yung nanay mo na nagmumukhang kawawa nagla-live selling.. kahit na alam natin ng sambayanang Pilipino na sobrang dami mong napanalunan..”

Iniisa-isa rin ni Tito Mars ang mga napanalunan ni Carlos na mga kayamanan at naitanong niya kay Carlos kung bakit hinahayaan niya ang kanyang ina na magbenta nalang online.

“Two million, may condo kapa..may mga properties may kung ano-anong sponsorships.. tapos yung nanay mo hinahayaan mong mag-ganyan kasama yung kapatid mo.. diba?

“Pero yung dadating sa punto na ganyan? na parang binabaliwala mo na talaga yung nanay mo? yung nanay mo na nagluwal sayo..yung nanay mo na nagpa-laki sayo..na kahit winalang-hiya ka nya parang di naman tama yan..

“Ano yan? masyado ka nabang na bra-brainwash ng jowa mo? masyado kana bang nasasabihan ng kong ano-ano ng jowa mo na yan? kaya pati yung nanay mo ngayon pinababayaan mo nang magbenta..nagmumukhang kawawa online?

“Di mo manlang naisip? hindi ko alam kung ano ang naiisip mo ngayon… pero ako kung nanay ko yung ganyan tapos sobrang dami kung pera? tangina mahiya ka naman diba? mahiya ka naman sa sarili mo!” pagtatapos ni Tito Mars.


0 comments:

Post a Comment