Wednesday, September 4, 2024

Chloe San Jose, sinagot ang ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew

Matapos mag-viral sa social media ang naging komento ni Mark Andrew Yulo sa post ng kanyang anak na si Carlos ay agad na dumepensa si Chloe San Jose.

Matapos kasi na magbahagi si Carlos ng isang positibong mensahe sa kanyang social media account tungkol sa kanyang Paris Journey ay dito na nagkomento ang ama ng atleta.

Sa post ni Carlos : “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Carlos Yulo, sinupalpal ng kaniyang Ama na si Mark Andrew Yulo
PHOTO : Mark Andrew Yulo and Carlos Yulo

Sa kabila ng positibong post na ito ng atleta ay agad na nagkomento dito ang ama ni Carlos para pagsabihan at pangaralan ang kanyang anak.

Ani Mark Andrew Yulo : “Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw [emojis] para luminis yang imahen mo.”

Marami naman sa mga netizens ang nagulat at nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon tungkol sa naging komento ng ama ni Carlos sa kanyang social media post.

Chloe San Jose, hindi nakapag-pigil at sinagot ang ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo

Hindi na napigilan ni Chloe ang naging komento ng ama ni Carlos na si Mark Andrew at agad na dumepensa hindi para ayusin ang gusot ng pamilya Yulo pero upang mas palakihin pa ito.

Sagot ni Chloe : “Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))

“sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy [emoji]

“kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay. dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila.

“matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito? pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po. godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM [emojis]”


0 comments:

Post a Comment