Sunday, September 22, 2024

Carlos Yulo sa Toni Talks : “nagkamali ako, kinarma na ako”

Usap-usapan sa social media ang naging panayam ng two-time gold medalists na si Carlos Yulo sa Toni Talks ni Toni Gonzaga.

Sa panayam ni Toni kay Carlos, kasama ng atleta ang kontrobersyal na girlfriend nito na si Chloe San Jose, dito na nila pinag-usapan ang kanilang love story, humble beginnings at ang mga struggles na kanilang pinagdaanan.

Hanggang sa napag-usapan na nila ang isyu nina Carlos at ng kaniyang pamilya, hindi lingid sa karamihan na naging pulutan sa social media ang isyu ni Carlos sa kanyang ina na si Angelica Yulo.

Relasyon nina Carlos Yulo at Angelica, nagka-lamat dahil sa pera

Ayon sa mga ulat, pera umano ang ugat at ang naging dahilan ng hindi pagkaka-unawaan nina Carlos at Angelica.

Carlos Yulo at Chloe San Jose, ikakasal na sa Australia
PHOTO : Angelica Yulo, Chloe San Jose and Carlos Yulo

Hanggang naungkat na ang isyu tungkol sa paggamit ni Angelica sa napanalunang pera ni Carlos nang hindi nito alam.

Nasundan ito ng pagsasalita naman si Angelica sa isang interview para itanggi na ninakaw niya ang pera ni Carlos.

Lalong uminit ang isyu nang ituro naman ni Angelica ang girlfriend ni Carlos na si Chloe na mitsa diumano ng kanilang hidwaan na mag-ina.

“Kinarma na ako”

Sa panayam nila sa “Toni Talks”, isa-isang sinagot nina Carlos at Chloe ang mga katanungan hinggil sa relasyon ng atleta sa kanyang pamilya.

Tanong ni Toni : “Ganito na lang ang gagawin natin para kahit papaano magkaroon ng konting linaw. kasi we are hearing one side of the story, but you are not sharing your side of the story. Bakit?”

Sagot ni Carlos : “Personal po kasi masyado eh. Like, hindi na rin po para malaman ng tao, ng buong sambayanan yung nangyari.

“Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.

Kinarma na ako, kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.

“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” sagot ng atleta.


0 comments:

Post a Comment