Saturday, September 7, 2024

Mark Andrew Yulo, sayang umano ang semilya niya kay Carlos

Viral sa social media ang live ng ama ni two-time gold medalist Carlos Yulo sa social media na kung saan may pabirong banat ito tungkol sa atleta.

Tila aktibo na ang ama ni Carlos na si Mark Andrew sa social media at hindi na naka-locked ang profile nito, madalas din itong nagla-live sa kanyang account at natutuwa sa mga stars at pera na ipinapadala sa kanya.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 36k followers si Andrew at sa Facebook live ni Mark noong Septemer 6, may isang viewer ang napa-komento na sinabing malapit lang umano siya sa condo unit na tinutuluyan ni Carlos sa Taguig City.

Sagot ni Mark Andrew : “Pakibatukan nga si Caloy diyan. Malapit ka pala sa condo niya. Pakibatukan nga si Caloy diyan kapag nakita mo.”

Isa rin sa mga viewers ni Mark Andrew ang napa-komento kung kung ginagatasan nila ang kanyang anak na si Carlos, sagot ni Mark : “Paano ko ginatasan? Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya yung semilya ko tapos ginanyan lang niya kami?”.

Matapos sinagot si Mark ang mga tanong ng kanyang viewers ay agad nitong nilinaw na nagbibiro lamang siya.

Mark Andrew Yulo, pinagsabihan si Carlos

Kung ating babalikan, hindi na napigilan ng ama ni Carlos ang pagsabihan at pangaralan ang kaniyang anak tungkol sa personal na isyu nilang mag-pamilya.

Matapos magbahagi si Carlos ng isang positibong mensahe sa kanyang social media account tungkol sa kanyang Paris Journey ay dito na nagkomento ang ama ng atleta.

Sa post ni Carlos : “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Carlos Yulo, sinupalpal ng kaniyang Ama na si Mark Andrew Yulo
PHOTO : Mark Andrew Yulo and Carlos Yulo

Sa kabila ng positibong post na ito ng atleta ay agad na nagkomento dito ang ama ni Carlos para pagsabihan at pangaralan ang kanyang anak.

Ani Mark Andrew Yulo : “Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw [emojis] para luminis yang imahen mo.”

Marami naman sa mga netizens ang nagulat at nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon tungkol sa naging komento ng ama ni Carlos sa kanyang social media post.

May mga sumang-ayon sa ama ng atleta at may iilan rin na kumakampi parin kay Carlos.

Anila : “Wala tayo alam sa totoo pero ang alam ko lang kahit anong sama ng magulang, magulang mo pa din yan, nong panahon d mo pa kaya ang magulang ang umalalay sayo. Nong maliit ka.”

“Normal sa mga nanay na makapagsalita ng hindi maganda sa kanilang mga anak dala yun ng bugso ng galit lalu na pag gusto ka nila disiplinahin at ayaw natin makinig pero sa kailaliman ng puso nila ay iba at nasasaktan sila sa ginagawa nila.”


0 comments:

Post a Comment