Tuesday, September 17, 2024

Herlene gumaling ang almoranas, nagpasalamat kay Doc Willie Ong

Viral sa social media ang video ng komedyante at Beauty Queen na si Herlene Nicole Budol matapos itong humiling ng dasal para kay Doc Willie Ong.

Kung ating babalikan, nalungkot ang mundo ng social media matapos ibahagi ni Doc Willie na nagkaroon siya ng “very rare” sarcoma cancer.

Sumailalim umano si Doc Willie sa ilang tests at dito na nila natukoy ang isang uri ng bukol na tumubo sa kanyang tiyan , isa umanong pambihira at agresibong uri ng cancer na kung tawagin ay sarcoma.

Ani Doc Willie : “Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer ay mahirap na kalaban.)

“Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling).” dagdag pa niya.

Doc Willie Ong, na-diagnose na may sakit na “very rare” cancer
PHOTO : Doc Willie Ong

Herlene Budol, gumaling ang kanyang almoranas dahil kay Doc Willie

Sa pamamagitan ng isang video ni Herlene na ibinahagi sa social media noong September 14, nanawagan ang komedyante ng dasal para sa mabilis na pag-galing ni Doc Willie.

Panimula ni Herlene : “Shout out nga pala kay Doc Willie Ong na mayroong sakit ngayon. Lord, pagalingin niyo po siya dahil marami po kaming mga sakitin na umaasa sa kanya”.

Binigyang diin rin ni Herlene na bawal umano manghina si Doc Willie dahil ito ang first aid ng may mga sakit at mga taong umaaasa sa doktor.

“Bawal kang manghina dahil ikaw ang first aid namin. kasi noong nagkaroon ako ng sakit na almoranas, talagang araw-araw tumat*e ako ng dugo at talagang namumulaklak na yung butas ng puwet ko dahil sa sobrang stress ko, ikaw lang ang pinanood kong video.

“Ang sabi mo pa nga du’n na kumain lang ng mga letter P na prutas, magiging smooth yung pagt*e ko, aba effective nga,

“Lahat din ng nararamdaman ko sa katawan ko, ikaw lang ang pinapanood kong video, mapa-gout, hika, at masakit ang ulo.

“Kaya Doc kung napapanood mo ito, sana maging motivation mo kaming mga taong umaasa sa iyo. Mahal ka namin, magpagaling ka, dahil ikaw lang sapat na!” pagbabahagi ng komedyante.


0 comments:

Post a Comment