Kilala si Doc Willie Ong bilang “Doktor ng Bayan” dahil sa pagbibigay niya ng health tips ngunit kasalukuyang itong lumalaban sa sakit na cancer.
Labis na ikinagulat ng milyon-milyong followers Doc Willie ang kanyang anunsyo nitong Sabado, September 14.
Sa isang video na in-upload niya sa kanyang YouTube channel na may pamagat na “My Battle Against Cancer,” ibinahagi ni Doc Willie ang kanyang pinagdaanan mula sa mga naramdaman niyang sintomas hanggang sa kanyang kasalukuyang kalagayan.
Sinabi ni Doc Willie na apat na araw na siyang naka-confine sa ospital at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.
Ayon sa kanya, bagama’t naging maayos ang kanyang kalusugan noong panahon ng eleksyon 2022, nagsimula siyang makaramdam ng kakaibang mga sintomas noong April 2023.
Ani Doc Willie, “Napansin ko April 2023, medyo hirap na akong mag-medical mission. Pag mainit ayaw ko na, hindi ko na kaya… may hingal, pagod, at paglunok ko parang ayaw na o hirap na.”
Noong October 2023, lalo pang lumala ang kanyang kalagayan, kung saan nakaramdam siya ng matinding back pain.
Aniya, “Pagdating ng October 2023 wala pang one year ago at nag 60th birthday na ako, senior na ako at doon na ako nakaramdam ng backpain. Matagal na akong may back pain pero this time (ibang sakit.”
Dahil sa mga nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, kaya minabuti ni Doc Willie na magpatingin na at sumailalim nga siya sa iba’t ibang uri ng biopsy.
Aniya, “Biopsy sa baba at biopsy sa taas, ito ang pinakamasakit na biopsy, itong T10 o Thoracic Vertebrae. At yang part na ‘yan ang pinakamasakit at hindi na ako makahiga sa gabi. Kapag hihiga ako sa gabi, sasakit ang parteng iyon kaya bumili ako ng lazy boy (recliner), at nakakatulog ako. Pag naka-flat ako (mahiga) sasakit ng 1 to 2 hours parang nag spasm pero pag tinulugan mo, okay lang.”
Ngunit ipinagtataka raw niya dahil normal ang resulta ng mga test pero hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya.
Bukod dito, napansin din ni Soc Willie na lumubo ang kanyang tiyan.
Ani Doc Willie, “Pero nagtaka ako bakit ang backpain ko dati sa baba lang, bakit tumaas? Sabi ko baka nagbago ang kurba ng likod ko tapos lumubog (tinuro bandang ibaba) tapos sa taas lumobo?”
Pero lumipas pa ang ilang buwan bago natuklasan ni Doc willie ang kanyang tunay na kalagayan.
Doc Willie Ong, nakaranas ng intense back pain
Nitong August 19 lamang ay naranasan ni Doc Willie ang pinakamatinding back pain sa tanang buhay niya, kung saan hindi na niya nakayanan kaya isinugod siya sa ospital.
Aniya, “Sumakit sobra-sobra worst pain of my life, 10 out of 10 iiyak ka, buong gabi walang tulog. Mula sap ag-upo sa lazy boy sa gabi hanggang sumikat ang araw walang tulog dasal ng dasal humihiyaw buong gabi saksak-saksak hinto, saksak-saksak, hinto. Hindi moa lam anong posisyon (gagawin) for 3 days. Akala ko body spasm kasi walang makita sa labas.”
Paliwanag ni Doc Willie, kaya hindi niya agad nakapa ang bukol dahil nagtatago ito.
Ang bukol na ito ay malaking-malaki raw.
Isa sa pinakamalaking bukol na nakita ng mga doktor may laki na 16 centimeters.
“Nagtago (bukol) sa harap ng gulugod nakadikit sa puso, so lumali ng lumaki hanggang 16 centimeters at hindi mo makakapa sa likod at hindi mo rin makakapa sa harap at dito lang (tummy), malaki na, so paglaki inipit niya ang esophagus kaya hindi na ako makalunok, inipit na ang artery kaya hindi ako makahinga, inipit na nito ang Inferior Vena Cava (IVC) magang-maga na ang paa ko..:
“Natanggalan na ako ng apat na litro (tubig) pero maga pa rin kaya ang mga dugo ko sa paa hindi na makaakyat sa puso kaya barado na ito, barado na lahat at dahil diyan ang akyat ng dugo ko ay sa azygos veins.”
Hindi naman kayang gamutin ang kalagayan niya sa Pilipinas.
Kaya pumunta ng ibang bansa si Doc Willie kung nasaan siya ngayon naka-confine.
Doc Willie Ong, may sakit na cancer
Sumailalim umano siya sa ilang tests at dito ay natukoy ng kanyang mga doktor ang uri ng bukol na tumubo sa kanyang tiyan na isa umanong pambihira at agresibong uri ng cancer na kung tawagin ay sarcoma.
Aji Doc Willie, “Hindi na kaya (dito) ‘yung biopsy ko sa Pilipinas I have to wait one-week or more kasi maraming holidays. Atfeeling ko no’n mabubuhay lang ako 24 hours at sa tingin ko mamatay na ako kaya suwerte lang na nakapunta ako rito, nagmakaawa sa kaibigan ng isang kaibigan.
“Pagpunta ko rito grabe ang isang araw, umaga petscan, biopsy sa tanghali (at) kinabukasan may result ana, tatlong CT scan, tatlong angios…At nalaman na ‘yung kalaban, ang pangalan sarcoma, very rare, very aggressive and very big at kaya rare dahil galing sa nerves at nagtago.”
Para naman kay Doc Willie, nakuha niya ang sakit dahil sa matinding stress.
Aniya, “Saan ko nakuha to? Tingin ko stress. Kaya kayo, wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook.”
“Nas-stress ako sa mga comments. Nas-stress ako sa mga bashers. Nas-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi.”
Payo pa niya, “Kaya kayo ‘wag kayong magbabasa ng comments sa facebook na-stress ako sa mga bashers dshil hindi naman tunay ang mga sinasabi.
“Sobra kong mahal ang mga Pilipino, sobra kong mahal ang mahihirap tapos sasabihin nila ginagamit ko,” dagdag niya.
Samantala, ibinahagi ni Doc Willie na mahirap kalaban ang kanyang cancer.
“Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer ay mahirap na kalaban.) Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling). Sabi ng doktor ko wag na ako mag-diet, kainin ko lahat ang gusto ko tulad ng steak kasi kailangan ko ng protein, eggs. Sorry ang mga payo ko dati mag-diet pero dapat kainin lahat ng gusto, pero ako hindi ako pwedeng kumain ng marami mabobondat ako”
Samantala, sa isang Facebook post, humingi ng panalangin si Doc Willie.
Aniya, “Until my last breath, I will help our poor Filipinos.
But first, I ask God for a miracle. Please heal this 16 cm inoperable Sarcoma. Give me some more time on earth to prove myself. Amen.”
0 comments:
Post a Comment