Monday, September 9, 2024

Chloe San Jose, nagsimula na sa kanyang unli shopping

I-flinex ni Chloe San Jose ang pagsa-shopping nila ng kanyang boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa Paris.

ICYMI, lumipad pabalik ng Paris si Carlos noong September 4 para suportahan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Paralympic Games.

Ayon sa kanyang Facebook post, “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Sa kanyang pagbabalik, kasama ni Carlos si Chloe.

Chloe San Jose at Carlos Yulo, enjoy sa pagsa-shopping sa Paris

Pero bukod sa pagsuporta sa Team Philippines sa Paralympic Games, hindi rin pinalagpas nina Carlos at Chloe ang makapag-shopping.

Sa Instagram stories ni Chloe ngayong Lunes, September 9, nagbahagi siya ng ilang larawan nila ni Carlos pagkatapos nilang mag-shopping.

Makikitang tatlong malalaking shopping bags din ang naiuwi nina Carlos at Chloe mula sa kanilang shopping spree.

Halata namang sobrang nag-enjoy sila base na rin sa laki ng kanilang mga ngiti.

Chloe, may patama sa ina ni Carlos na si Angelica Yulo

Samantala, agaw-pansin naman ang inilagay na caption ni Chloe sa kanyang post na tila patama niya sa ina ni Carlos na si Angelica Yulo.

Ayon kasi kay Chloe, “Di aaray for today’s shopping spree, siguro meron portion lang.”

Matatandaang sa isang interview, iginiit ni Angelica na wala siyang ninakaw mula sa pera ni Carlos. 

Ngunit inamin niyang may ginalaw sila ng kanyang asawa, pero hindi raw aaray ang bulsa ni Carlos sa halaga nito.

Ani Angelica, “Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya.”

Netizens, imbyerna kay Chloe

Marami naman ang hindi natuwa sa pag-flex ni Chloe sa pagsa-shopping nila ni Carlos.

Ayon pa sa netizens, talagang sinasadya umano ni Chloe na paringgan ang pamilya ni Carlos at ipamukha sa mga ito na habang sila ay naghihirap, siya naman ay nagpapakasaya gamit ang pera na napanalunan ni Carlos.

Carlos Yulo at Chloe San Jose, ikakasal na sa Australia
PHOTO : Angelica Yulo, Chloe San Jose and Carlos Yulo

Matatandaang nag-viral kamakailan ang pagla-live selling ng ina ni Carlos ng mga damit, habang kinaawaan naman ang kanyang ama na si Mark Andrew matapos nitong ipakita na nagbibisikleta siya papunta ng trabaho kahit umuulan.

Mga komento ng netizens : “Shopping pa more… talagang iniinggit ni Goldig ang Yulo Family.”

“Di nakakatawa.. they’re just adding insult to the injury.. how insensitive.. Madddd.”

“Style niya ‘yan para mainis lalo ang pamilya ni boy at solo na niya to the max.”

“Di man lang naisip nitong si Caloy kung may ulam ang mga magulang niya. Matiis niyang mamuhay sa karangyaan samantalang ang pamilya niya ay naghihirap.”


0 comments:

Post a Comment