Viral sa social media ang restaurant sa Tagaytay na Balay Dako, para sa netizens bias umano ang naturang kainan sa mga aspins at sa mga aso na walang breed.
Masama ang loob at masakit para sa isang fur parent gaya na lamang kay Lara Antonio ang naging experience niya sa nasabing restaurant sa Tagaytay.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Lara ang kanyang disappointments sa naturang establishment matapos na hindi sila pinapasok para kumain.
Hindi umano sila pinapasok dahil sa mga panahon na yun ay kasama nila ang kanyang aso na si Yoda, isang “AsPin” o Asong Pinoy.
Nilinaw naman ni Lara na ilang beses na silang kumain sa Balay Dako kasama si Yoda pero wala naman naging problema.
Balay Dako issue
Ayon sa mga staff ng Balay Dako, ang allowed lang umano na pumasok sa kanilang establishment ay ang mga customers na may kasamang small to medium-sized na mga pets.
Nilinaw naman ni Lara ang policy ng Balay Dako kung bakit hindi allowed si Yoda na pumasok kahit na nasa medium sized naman ang alaga niya.
Nainsulto umano si Lara matapos siyang tanungin ng staff kung ano ang breed ni Yoda : “ano pong breed niya?”
Dahil sa tanong na ito ng staff kay Lara, sinabi niya na “mixed breed” si Yoda para lamang payagan silang makapasok, alam kasi ni Lara ang discrimination pagdating sa mga AsPin.
Ani Lara : “I have a weird gut feeling IMMEDIATELY so instead of Aspin, I say ‘mixed breed.’ I’ve dealt with this before I KNOW THIS and as annoying as it is ‘mixed breed’ is more palatable to elitist establishments,
“My mistake is that I said ‘18kg’ instead of reiterating my question. After I answer I ask again, ‘ano yung size qualifications ng medium dog?’
“And then after they talk amongst themselves, someone comes out and says ‘10-15kg lang po.’
“At this point I know 15kg is arbitrary and they just chose a number smaller than Yoda kasi you can tell when people are lying to you and they were 100% pulling that out of nowhere,”. dagdag ni Lara.
Marami naman sa mga netizens ang bumisita sa social media account ng Balay Dako at gulat na gulat sila na may mga photos at videos silang nakita na may mga pets na nakaka-pasok sa naturang establishment na mas malaki pa umano kay Yoda.
May mga Golden Retriever, Labrador at maraming aso na mas mabigat at malaki pa sa fur baby ni Lara na si Yoda.
Para sa mga netizens, hindi malinaw ang pet friendly policy ng Balay Dako dahil natatangi lamang na may mga breed na aso ang pinapapasok nila sa kanilang establishment at ito raw ay malaking discrimination para sa mga AsPin.
0 comments:
Post a Comment