Ilang linggo matapos pasukin ng mga PNP ang Kingdon Of Jesus Christ sa Davao City, sa wakas at nahuli na ang wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.
September 8, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa kanyang social media account na nahuli na ang Pastor.
“NAHULI NA PO SI APOLLO QUIBOLOY,” ani DILG Sec. Abalos.
August 24, tinatayang umaabot sa 2,000 kapulisan ang nag-aabang sa KOJC Davao City compound para mahain ang arrest warrant laban kay Pastor Quiboloy.
Para naman kay PNP Regional Office 11 chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, malaking kaginhawaan umano ang pagka-aresto sa Pastor matapos ang ilang araw nilang paghahanap.
Aniya : “It’s a relief. Malaki ang relief. Matutulog muna ako.
“I was informed by the secretary (Abalos) that Quiboloy has already surrendered. So nahuli na. Hindi ko alam ang details,
“Ako po ay nagpapasalamat ating kapulisan. Sama-samang tulong sa misyon na ito. I do hope na kapit lang. Marami pa tayong trabaho sa future.” dagdag ni Torre.
Warrant Of Arrest kay Pastor Apollo Quiboloy
Matatandaang bigla na lamang naglaho si Quiboloy matapos maglabas ng mga warrant of arrest laban sa kanya at sa iba pa noong Marso.
Ang mga warrant ay inisyu nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Risa Hontiveros matapos hindi dumalo si Quiboloy sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.
Dahil dito, inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos noong Lunes, July 8, na magbibigay sila ng pabuya na P10 milyon para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magdudulot sa pagkaka-aresto ni Quiboloy.
Ani Abalos, “Gusto ko pong i-anunsyo sa mga nanunuod at nakikinig na meron tayong mga kaibigang gustong tumulong sa paghahanap sa kanila at nag-ooffer ng reward ng P10 million for any information leading to the arrest of Pastor Quiboloy.”
Bukod kay Quiboloy, may alok din na P5 milyon, o P1 milyon bawat isa, para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng iba pang limang kasabwat ni Quiboloy.
0 comments:
Post a Comment