Friday, September 13, 2024

Angelica Yulo, may offer na maging beauty queen sa 2025

Usap-usapan ngayon sa social media ang imbetasyon kay Angelica Yulo para sumali sa Mrs. Philippines na gaganapin sa darating na March 2025.

Kung ating babalikan, nagkaroon ng media conference ang organisasyon ng Mrs. Philippines para muling buksan ang aplikasyon sa mga nais na sumali sa naturang patimpalak na gaganapin sa susunod na taon.

Isa nga sa naging topic ng kanilang media conference ay ang ina ni two-time gold medalists Carlos Yulo na si Angelica, ayon sa presidente ng Mrs. Philippines Organization na si Erika Joy Santos malaki umano ang potensyal ni Angge na maging beauty queen.

Ani Erika : “I wish to speak to Angelica. Maybe I can, you know, be somehow a relief to her. Kahit coffee lang,

“She’s very much welcome to join Mrs. Philippines 2025. Why not?

“I think na naging gymnast ‘yung mga anak niya because naghirap din siya for it. She surely sacrificed a lot of things para masuportahan lahat ng anak niya. And I believe in the goodness and kindness of motherhood,” dagdag ni Erika.

Erika Joy Santos may payo kay Angelica Yulo : “Stop crying and always smile”

Nagbigay rin ng advice si Erika Joy kay Angelica na mas mahalin sana nito ang kanyang sarili at wag magpapa-apekto sa kung ano man ang mga issue na kinakaharap nito ngayon.

Ani Erika : “So my advice to Miss Angelica Yulo is to love yourself. Stop crying, always smile, and remember that time heals all wounds!”

Napansin umano ni Erika si Angelica dahil may “fashion sense” umano ito at matagumpay ito na pinalaki ang kaniyang mga atletang anak.

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Angelica kung interesado ito na sumali sa Mrs. Philippines 2025 at kung papalarin ay mag-uuwi ang mananalo ng P150,000 cash prize.

Bukod sa cash prize, mangunguna ang kokoronahan sa mga outreach projects na gaganapin sa ating bansa.


0 comments:

Post a Comment