Monday, September 9, 2024

Mystica, nasaktan sa ginagawa ni Carlos Yulo sa kanyang ama

Viral ang isang video ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo, kung saan makikita siyang nagbibisikleta papuntang trabaho kahit na umuulan.

Makahulugan ang caption ni Mark Andrew sa kanyang video na: “Pilipinas Kong Mahal”.

Ang pagbibisikleta ni Mark Andrew papuntang trabaho kahit umuulan ay mabilis nga na nakakuha ng simpatya mula sa maraming netizens.

Ama ni Carlos Yulo, bike lang ang gamit papunta sa trabaho
PHOTO : Carlos Yulo and Mark Andrew Yulo

Kabilang na sa mga naawa kay Mark Andrew ang dating singer na si Mystica.

Mystica, may bwelta kay Carlos Yulo

Hindi nga napigilan ni Mystica ang kanyang damdamin at nagbigay siya ng reaksyon tungkol sa sitwasyon ng ama ng Olympic gymnast.

Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Mystica ang kanyang awa kay Mark Andrew, habang pagkadismaya naman kay Carlos.

Ayon kay Mystica, wala umanong problema kung gusto ni Carlos na lumayo sa mga magulang nito para makamtan ang kanyang freedom.

Pero hindi umano tama na kayang tiisin ni Carlos na magbisikleta lang ang kanyang ama kahit umuulan habang siya ay mayroong milyon-milyong pera.

Giit pa ni Mystica, bilang anak ay hindi umano kaya ng kanyang konsensya na makita ang kanyang magulang sa kalagayan ng ama ni Carlos.

Ani Mystica, “MALI NA TALAGA ITO. KUNG AKO SI CARLOS “CALOY” YULO, OK LANG NA IHIWALAY ANG SARILI KO SA AKING MGA MAGULANG IN ORDER TO ENJOY MY FREEDOM PERO YUNG TITIISIN KONG MAKITA NA NAKABISIKLETA LANG ANG TATAY KO INSPITE OF THE MILLIONS I HAVE, HINDI KO YATA MASISIKMURA AT MAKAKAYANAN NG KONSENSIYA KO NA MAKIKITA SIYANG GANITO!”

Dagdag pa ni Mystica, kahit noong may malalim siyang galit sa kanyang pamilya, hindi niya natiis na hindi sila tulungan kung saan binibigyan pa rin umano niya ang mga ito ng bahay at sasakyan.

Aniya, “ABA, DITO NA AKO HINDI SUMASANG-AYON KAY CARLOS “CALOY” YULO. KAHIT MAY MALAKING GALIT AKO NOON SA PAMILYA KO, I STILL MADE SURE NA ILANG BESES KO SILANG BINIGYAN NG BAHAY AT SASAKYAN DAHIL HINDI KO MATIIS NA MASAGANA ANG BUHAY KO PERO SILA HINDI! “

Sa kanyang pahayag, malinaw ang pagkadismaya ni Mystica sa nakikita niyang sitwasyon ng pamilya ni Carlos, lalo na’t isa ito sa mga atleta ng bansa na tinitingala dahil sa kanyang tagumpay sa larangan ng gymnastics.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may hidwaan sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, na nag-ugat sa mga isyu tungkol sa pera at sa pagtutol ng kanyang pamilya sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.


0 comments:

Post a Comment