Usap-usapan ngayon sa social media ang mga post na kung saan ikinukumpara ng iilan ang dinaranas ngayon ni Pastor Quiboloy kay Jesus Christ.
Para sa isang netizen, parehas na parehas umano ang pinag-daanan ni Quiboloy kay Hesus bago ito ipako sa krus, binigyang diin pa nito na tila nauulit na raw ang nangyari kay Hesus sa katauhan ng pastor.
Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala at binabatikos ang mga taong pilit na ikinukumpara si Hesus kay Quiboloy.
Malayong-malayo umano ang pastor kay Hesus dahil si Quiboloy ay maraming krimen na ginawa gaya ng lamang ng rape, child abuse, human trafficking at marami pang iba.
Isang manunulat rin na si Jerry Gracio ang tutol sa paghahambing ng mga netizens kay Hesus at Quiboloy.
Aniya : “Parang nauulit daw ‘yung nangyari kay Jesus sa nangyayari kay Quiboloy. Mga bagra! Si Jesus, hindi inakusahang nang-rape! Idilat nga ninyo ang mga mata n’yo, mga delulu!
“Pero kung gusto n’yo talagang ulitin kay Quiboloy’ ‘yung nangyari kay Kristo, pahampas ninyo ang pastor n’yo sa haliging bato at ipako sa krus. Tingnan natin kung mabubuhay siyang muli,
“Dahil naniniwala ako na si Jesus ay anak ng Diyos at Diyos, kinikilabutan ako na inihahalintulad ang Diyos ko sa akusadong rapist.” dagdag ng manunulat.
Pastor Apollo Quiboloy, sumuko sa awtoridad
Ilang linggo matapos pasukin ng mga PNP ang Kingdon Of Jesus Christ sa Davao City, sa wakas at nahuli na ang wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.
September 8, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa kanyang social media account na nahuli na ang Pastor.
“NAHULI NA PO SI APOLLO QUIBOLOY,” ani DILG Sec. Abalos.
August 24, tinatayang umaabot sa 2,000 kapulisan ang nag-aabang sa KOJC Davao City compound para mahain ang arrest warrant laban kay Pastor Quiboloy.
Para naman kay PNP Regional Office 11 chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, malaking kaginhawaan umano ang pagka-aresto sa Pastor matapos ang ilang araw nilang paghahanap.
Aniya : “It’s a relief. Malaki ang relief. Matutulog muna ako.
“I was informed by the secretary (Abalos) that Quiboloy has already surrendered. So nahuli na. Hindi ko alam ang details,
“Ako po ay nagpapasalamat ating kapulisan. Sama-samang tulong sa misyon na ito. I do hope na kapit lang. Marami pa tayong trabaho sa future.” dagdag ni Torre.
0 comments:
Post a Comment