Hindi pinalampas ng Doktor ng bayan na si Doc Willie Ong ang lumalabas na mga balita sa social media tungkol sa kanyang pagpanaw.
September 26, nag live si Doc Willie sa kanyang social media kasama ang kanyang maybahay na si Doc Liza Ong upang mabigyan ng linaw ang kumakalat na mga fake news online.
Ayon kay Doc Willie at Dok Liza na marami silang nababasa o napapanood online mula sa mga vloggers na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang pagkamatay, ayon sa doktor ay walang katotohanan ang lahat ng ito dahil sa ngayon ay bumubuti na ang kanyang kalagayan.
Ani Doc Willie : “Ahhh medyo malakas lakas tayo today..kaya tayo nagla-live para maliwananagan diba? kasi maraming.. marami kasing mga vloggers gumagawa ng fake news e..tsaka videos.. natataranta ang mga followers ko..
“Sasabihin ng iba..uy patay na ata si dok eh hindi pa naman patay si dok. o yung isa gumaling na si Dok nag-miracle..mabuti kayo alam nyo pa nag-miracle..alam niyo talaga pag vlogger ganyan.,” dagdag ni Doc Willie.
Doc Willie Ong, apektado dahil sa social media
Para naman kay Doc Willie, nakuha niya umano ang kanyang sakit dahil sa matinding stress.
Aniya, “Saan ko nakuha to? Tingin ko stress. Kaya kayo, wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook.”
“Nas-stress ako sa mga comments. Nas-stress ako sa mga bashers. Nas-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi.”
Payo pa niya, “Kaya kayo ‘wag kayong magbabasa ng comments sa facebook na-stress ako sa mga bashers dshil hindi naman tunay ang mga sinasabi.
“Sobra kong mahal ang mga Pilipino, sobra kong mahal ang mahihirap tapos sasabihin nila ginagamit ko,” dagdag niya.
Samantala, ibinahagi ni Doc Willie na mahirap kalaban ang kanyang cancer.
“Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer ay mahirap na kalaban.) Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling).
“Sabi ng doktor ko wag na ako mag-diet, kainin ko lahat ang gusto ko tulad ng steak kasi kailangan ko ng protein, eggs. Sorry ang mga payo ko dati mag-diet pero dapat kainin lahat ng gusto, pero ako hindi ako pwedeng kumain ng marami mabobondat ako”
0 comments:
Post a Comment