Ibinahagi ng Doktor ng bayan na si Doc Willie Ong na nakikita na niya ang namayapa niyang ina at tila sinusundo na siya nito.
Hindi lingid sa marami na kasalukuyang hinaharap ni Doc Willie ang pagsubok niya sa kalusugan matapos itong ma-diagnosed na mayroon siyang “very rare sarcoma cancer” o “abdominal cancer”.
Sa isang video na in-upload niya sa kanyang YouTube channel na may pamagat na “My Battle Against Cancer,” ibinahagi ni Doc Willie ang kanyang pinagdaanan mula sa mga naramdaman niyang sintomas hanggang sa kanyang kasalukuyang kalagayan.
Para naman kay Doc Willie, kung talagang oras na para siya’y mag-paalam ay maluwag niya umano itong tatanggapin.
Sa panayam ni Doc Willie sa programa ni Jessica Soho na KMJS, nagpakita umano sa kanya ang namayapa niyang ina sa panaginip at tila kinukuha na raw siya nito.
Ani Doc Willie : “Nagkakaroon na ako ng visions before that time. I saw my mom who died two years ago. ‘Yung mommy ko sa dream ko, kinukuha na niya ako,
“She called me, ‘Willie boy, come to me, come to me!’ Parang sabi ng nanay ko: ‘You’ve done your job on earth. Ginawa mo nang 60 years, eh..
“Kapag sinabing walang pag-asa, e ‘di tapos. That’s it pansit,” dagdag ni Doc Willie.
Doc Willie Ong, apektado dahil sa social media
Para naman kay Doc Willie, nakuha niya umano ang kanyang sakit dahil sa matinding stress.
Aniya, “Saan ko nakuha to? Tingin ko stress. Kaya kayo, wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook.”
“Nas-stress ako sa mga comments. Nas-stress ako sa mga bashers. Nas-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi.”
Payo pa niya, “Kaya kayo ‘wag kayong magbabasa ng comments sa facebook na-stress ako sa mga bashers dshil hindi naman tunay ang mga sinasabi.
“Sobra kong mahal ang mga Pilipino, sobra kong mahal ang mahihirap tapos sasabihin nila ginagamit ko,” dagdag niya.
Samantala, ibinahagi ni Doc Willie na mahirap kalaban ang kanyang cancer.
“Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer ay mahirap na kalaban.) Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling).
“Sabi ng doktor ko wag na ako mag-diet, kainin ko lahat ang gusto ko tulad ng steak kasi kailangan ko ng protein, eggs. Sorry ang mga payo ko dati mag-diet pero dapat kainin lahat ng gusto, pero ako hindi ako pwedeng kumain ng marami mabobondat ako”
0 comments:
Post a Comment