Friday, August 16, 2024

Mommy Dionisia, pinayuhan si Carlos na mahalin ang kanyang ina

May payo ang ina ni boxing champ Manny Pacquiao na si Dionisia, o mas kilala ng marami sa tawag na Mommy D, kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa usap-usapang alitan ni Carlos at ng kanyang ina na si Angelica.

Hindi maikakaila na isa si Mommy D. sa pinakasikat na ina ng isang atleta sa bansa.

Ito’y dahil sa ipinakita niyang suporta kaya Manny mula nang mag-umpisa ito sa boxing hanggang sa siya ay naging world champion.

Kaya hindi maiwasan ng maraming netizens na ikumpara si Mommy D. at Angelica sa aspeto ng pagiging isang supportive mother.

Matatandaang binatikos si Angelica dahil matapos niyang suportahan ang kalaban ni Carlos sa gymnastics mula Japan.

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Hanggang naungkat ang isyu tungkol sa paggamit ni Angelica sa napanalunang pera ni Carlos nang hindi nito alam.

Nasundan ito ng pagsasalita naman si Angelica sa isang interview para itanggi na ninakaw niya ang pera ni Carlos.

Lalong uminit ang isyu nang ituro naman ni Angelica ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na mitsa ng kanilang hidwaan na mag-ina.

Ngunit kumambyo si Angelica at nag-sorry kay Carlos at sa girlfriend nito matapos magsalita si Carlos i para pabulaanan ang lahat ng sinabi ni Angelica.

Mommy Dionisia, may payo kay Carlos Yulo sa gitna ng alitan nila ng kanyang ina 

Samantala, nakarating kay Mommy D ang tungkol sa hidwaan ni Carlos at kanyang ina na naisapubliko matapos ang pagkapanalo niya sa 2024 Paris Olympics.

Sa video na ibinahagi ng partner niyang si Mike Drilon Yamson sa Facebook, pinayuhan ni Mommy D si Carlos na mahalin ang kanyang ina at huwag magkimkim ng sama ng loob dito.

Mensahe Mommy D kay Carlos, “Mahalin mo ang nanay mo. Huwag ka magtanim, kikim ng sama ng loob,”

Dagdag niya, “Mahal na mahal ka [ng] mama mo, nanay mo. Mahalin mo siya sa lubusan ng pagmamahal bilang nanay, kay mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa’yo bilang nanay.”

Carlos Yulo, hindi pa nakikita ang pamilya

Sa ngayon, wala pa namang bagong balita kung naayos na ba ni Carlos at kanyang ina ang kanilang relasyon.

Matatandaang nakauwi na sa bansa si Carlos mula Paris, France kung saan sinalubong siya ng isang engrandeng Heroes welcome noong Miyerkules, August 14.

Ngunit kapansin-pansin na hindi kasama sa mga sumalubong kay Carlos ang kanyang pamilya.

Wala rin ang kanyang pamilya sa ilang welcome party para sa kanya, gaya na lamang sa Malacañang Palace kung saan sinalubong siya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mukhang hindi pa rin nakikita ni Carlos ang kanyang pamilya dahil kinailangan pa ng kanyang ama na si Mark Andrew na mag-abang sa parade ni Carlos sa Maynila para makita ang anak.


0 comments:

Post a Comment