Sunday, August 4, 2024

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo

Ang Vikings Luxury Buffet ay nag-alok ng bonggang regalo kay Carlos Yulo: isang lifetime free buffet sa lahat ng kanilang branches.

Bumuhos ang mga kumpanya na nagbigay ng gantimpala sa pangalawang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympics.

Gumawa ng kasaysayan si Carlos Yulo sa larangan ng gymnastics nitong Sabado, August 3, matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa Artistic Gymnastics Men’s Floor Exercise category sa 2024 Paris Olympics.

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo
PHOTO : Carlos Yulo / Paris Olympics 2024

Nasungkit ni Carlos ang gintong medalya matapos siyang maka-score ng 15.000 points, kung saan natalo niya ang pambato ng Israel at Great Britain.

Matapos nga ang kanyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics, nakatanggap ng sandamakmak na incentives si Carlos.

Parangal mula sa Vikings Luxury Buffet

Sa kabila ng kanyang mga parangal at incentive mula sa pamahalaan, hindi rin nagpahuli ang pribadong sektor sa pagkilala kay Carlos.

Sa isang pahayag sa kanilang social media, inanunsyo ng Vikings, “Congratulations Carlos Yulo! Mabuhay ka! Mag-enjoy ka sa iyong lifetime free buffet mula sa Vikings! #Paris2024 #VikingsGroup”

Lingid sa kaalaman ng marami, ang isang buffet meal sa Vikings ay nagkakahalaga ng P1,038.00 tuwing weekdays at P1,248.00 tuwing weekends at holidays.

Iba pang incentives na matatanggap ni Carlos Yulo

Samantala, ang pagkilala kay Carlos ay hindi lamang limitado sa mga financial incentives kundi pati na rin sa mga suporta at parangal mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Bilang mandatado ng Republic Act 10699, ang mga atletang Pilipino na mag-uuwi ng medalya sa Olympics ay makakatanggap ng cash incentive depende sa kanilang ranggo: P10,000,000 para sa ginto, P5,000,000 para sa pilak, at P2,000,000 para sa tanso.

Bukod pa rito, ang Philippine Sports Commission ay magbibigay din ng Olympic Gold Medal of Valor para sa mga nagwagi ng gintong medalya.

Habang ang Philippine Olympic Committee naman ay nangakong magbibigay rin ng isang house and lot para sa mga gold medalists.

Dagdag pa rito, ang Megaworld Corp. ay nag-anunsyo rin ng isang fully furnished two-bedroom condominium unit sa McKinley Hill sa Taguig, na nagkakahalaga ng P24 milyon, bilang bahagi ng kanilang pagkilala kay Carlos.

Reaksyon ng netizens

Maraming netizens ang napa-sana all kay Carlos dahil sa dami ng kanyang matatanggap na incentives.

Pero ayon sa kanila, deserve umano ni Carlos ang kanyang matatanggap dahil sa karangalan na ibinigay niya sa Pilipinas.

Ang kanyang tagumpay sa Paris Olympics ay hindi lamang isang pagkapanalo para sa kanya kundi isang pagkapanalo para sa buong bansa.


0 comments:

Post a Comment