Sunday, August 18, 2024

Bea Alonzo, natatakot na baka raw hindi na siya magka-anak

Gaya ng karamihan sa mga babae, isa sa naging pangarap ng aktres na si Bea Alonzo ay maging ina o magkaroon ng sariling anak.

Nagpakatotoo ang Kapuso actress na si Bea hinggil sa usapin ng pagkakaroon ng anak.

Ngunit sa kasamaang-palad, habang ang mga kaedad niya sa industriya ay mayroon ng mga asawa at anak, si Bea ay wala pa ring asawa at anak hanggang ngayon.

Bea Alonzo, bet maging ‘cool mom’ kung magkakaanak siya

Sa latest episode ng programa ni Boy Abunda na “My Mother, My Story,” inamin ni Bea na natatakot siya na hindi na niya matupad ang pangarap niyang maging isang ina.

Ayon kay Bea, gusto niyang maging isang “cool mom” gaya ng kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.

Nabuntis kasi nang maaga ang kanyang ina kaya habang lumalaki si Bea, hindi umano niya naramdaman ang generation gap sa pagitan nila.

Ani Bea, “She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we’re also good friends. Growing up, parang wala masyadong generation gap.”

Bea Alonzo, natatakot na hindi na magkaanak 

Ngunit nangangamba nga si Bea na hindi na siya magkakaanak dahil 36 years old na siya ngayon.

Ani Bea, “That’s what I’m afraid of since I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak, so iniisip ko, ‘Sana maging kasing cool ako ni mama.’ If I have kids, sana kasing cool ako na mom kagaya ng mama ko.”

Samantala, ibinahagi rin ni Bea na kung sakaling maging ina siya, nais niyang sundin ang paraan ng pagpapalaki ng kanyang ina na may pagiging strikto o mahigpit umano.

Aniya, “Just like my mother, I would say. To be honest, she was very strict when we were growing up, and of course, back then I didn’t understand why.”

Kilalanin ang rumored boyfriend ni Bea Alonzo

Mistulang bukas na libro ang buhay pag-ibig ni Bea, at alam ng marami na bagaman tumatagal nang ilang taon ang kanyang mga relasyon, nauuwi rin ito sa hiwalayan.

Bea Alonzo, kinasuhan ng dati niyang driver ng labor case
PHOTO : Bea Alonzo

Sa katunayan, muntik na sanang ikasal si Bea sa kanyang huling karelasyon na si Dominic Roque.

Ngunit sa hindi pa malamang dahilan, inanunsyo nila ang kanilang hiwalayan noong nakaraang Pebrero.

Sa kasalukuyan, nali-link naman si Bea sa Filipino-British businessman na si Michael Needham.

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon si Bea hinggil sa tsikang bagong boyfriend niya si Michael.


0 comments:

Post a Comment