Sunday, August 18, 2024

Kasal ng Bride, sinira ng Balai Dolores Resort dahil sa aircon

Labis ang panlulumo ng isang bride matapos masira ang sana’y masaya at memorable na kasal niya dahil sa ginawa ng may-ari ng resort na tinuluyan nila.

Viral ngayon sa social media ang video na ipinost ng bride na si Cindy Villanueva sa Facebook nitong Linggo, August 18. 

Sa video, maririnig ang sagutan nila ng may-ari ng Balai Dolores Resort na matatagpuan sa Bulacan.

Balai Dolores Resort issue

Ayon kay Cindy, sinira ng resort ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay na kanyang kasal kasabay ng birthday ng kanyang anak, dahil lang sa pangit na pagtrato ng may-ari ng resort sa kanilang mga guest.

Kwento ni Cindy, nag-umpisang magkagulo nang bigla na lang pumasok sa kwarto ng kanilang bisita ang may-ari ng resort at pinatay ang aircon.

Kasal ng Bride, sinira ng Balai Dolores Resort dahil sa aircon
PHOTO : Cindy Villanueva

Kinuha rin umano ng may-ari ang remote ng aircon. 

Bukod dito, pinatayan din ng aircon ang kwarto ng kanyang anak habang natutulog pa ito.

Dagdag pa ni Cindy, 20 minuto silang na-delay sa kanilang event dahil nawalan ng kuryente ang resort. 

Sa kabila nito, hindi umano sila nagreklamo, kaya’t labis ang kanilang sama ng loob sa ginawa ng may-ari ng resort.

Ani Cindy, “ITO NA SANA YUNG PINAKAMASAYANG ARAW KO DAHIL ARAW NG KASAL KO AT BIRTHDAY PA NG ANAK KO. BUONG BUHAY KO NGAYON KO LANG NAKASAMA ULIT YUNG MGA MAGULANG KO NA KOMPLETO SILA DAHIL BROKEN FAMILY KAMI. PINAGHANDAAN KO SUBRA YUNG ARAW NATO KASE GUSTO KO IBIGAY SA ANAK KO YUNG MGA BAGAY NA HINDI KO NARANASAN. TAPOS GANITO LANG YUNG MANGYAYARI DAHIL SA MAY-ARI NG RESORT NA ITO, Balai Dolores Private Resort.”

“Balai Dolores Private Resort, GANITO KAYO TUMANGGAP NG CLIENT? BINAYARAN KO KAYO NG 35K KAHIT HINDI PA TAPOS YUNG EVENT KASE OKAY KAYO KAUSAP SA UNA, TAPOS GANYAN ANG GINAWA NYO?”

“Natutulog yung anak ko sa kwarto, pinatayan nyo ng aircon. Nadelay kami ng 20 minutes dahil nawalan kayo ng kuryente, pero walang naging problema sa amin. Tapos ganun nyo kami at ang mga guest ko tratuhin? Papasok kayo sa kwarto ng walang paalam? May natutulog na, tapos papatayan nyo ng aircon?”

Masama rin ang loob ni Cindy dahil imbes na mag-sorry, sinabihan pa sila ng may-ari na babayaran na lang sila ng P10,000 kapalit ng hindi niya pagpo-post ng video tungkol sa nangyari.

Ani Cindy, “Mababayaran ba niya yung nasirang araw ko? Mababayaran ba? May katumbas na pera? Babayaran kami ng 10,000 para hindi daw i-post? Sampung libo para sa nasirang kasal ko, birthday ng anak ko, at kasiyahan namin? Napakagaling naman.”

Samantala, inulan ng batikos mula sa netizens ang Balai Dolores Resort dahil sa ginawa ng mga ito kay Cindy. 

Para sa maraming netizens, bastos at hindi makatarungan ang ginawa ng may-ari ng resort.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Ayan yun resort na kala mo ginto… Nagbabayad naman ng tama tapos bastos sa client nila… Kapalpakan ng facilities nila yan… Hindi mababayaran ng kahit anong pera ang moments nila sa special occasion nila…”

“Pasarado na ‘yan resort na ‘yan, bastos pala ang nagmamanage diyan. Bayad ang buong venue ng isang araw tapos magpapatay ng aircon? Pa-Tulfo na ‘yan!”

“Pinatayan ng aircon at nilock ang CR, ayaw ipagamit… ‘Yung ine-expect niyang maging masaya, naging horror dahil sa nangyari. ‘Yung may-ari naman, hindi nagbigay ng kahit konting konsiderasyon…”

“Dapat ‘yan ipasara, e bastos masyado. Nagbayad naman sana ‘yung client. Dapat ireklamo nyo yan, Ma’am… Bobo ang may-ari, bili ka muna ng utak!”


0 comments:

Post a Comment