Sunday, August 11, 2024

RR Enriquez, nagsalita sa isyu ni Carlos Yulo tungkol sa pera

Nagbigay ng kanyang saloobin si RR Enriquez tungkol kina Carlos Yulo, Angelica Yulo at Chloe San Jose dahil sa isyu nila tungkol sa pera.

Kung ating babalikan, mainit na pinag-usapan sa social media ang alitan ng mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo.

Kasunod kasi ng makasaysayang pagkapanalo ng dalawang gintong medalya ni Carlos sa 2024 Paris Olympics, napansin ng netizens na hindi pa siya binabati ng kanyang ina.

Dahil dito, umusbong ang haka-haka na diumano’y hindi maayos ang relasyon ni Carlos sa kanyang ina.

Ina ni Carlos Yulo, mas suportado pa ang Japan kaysa sa anak
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

RR Enriquez, may say sa isyu ni Carlos Yulo at Angelica Yulo

Dahil dito, hindi na napigilan ni RR na magbahagi ng kanyang saloobin at mag-react sa isyung kinasasangkutan ng mag-ina.

Para sa aktres, super nakaka-relate umano siya sa pinagdaraanan ngayon ni Carlos dahil minsan ay naging bread winner rin siya ng kanyang pamilya.

“As a Sawsawera Queen… bilang naging isang breadwinner din ako dati parang feeling ko malaki ang maiaambag ko sa issue na ito.” panimula ni RR.

“Accurate yan madalas sa isang tumatayong breadwinner ng pamilya. Na experience ko din yan, yung hindi kayo magkaunawaan ng magulang mo coz akala nila, dahil naging bread winner ka naging mayabang ka na,”

“But the truth is we just want to know lang kung saan napupunta yung mga binibigay mo na pera.

“Yung gusto mo maging specific sa pagtatanong where did they use the money etc. and sometimes may mga moment magkakainitan kayo kasi akala ng magulang mo pinag iisipan mo na niloloko ka nila.

“Nasasaktan din sila at may nasasabing hindi maganda. Then ikaw na patola, sasagot ka at mag aaway kayo,” pahayag ng aktres.

RR, pinayuhan si Carlos na bumawi sa kanyang ina at pamilya

Dahil sa naging ingay sa social media tungkol sa tampuhan nina Carlos at Angelica, nagbigay si RR ng payo sa mag-ina at umaasa ang aktres na sana ay magka-ayos na ang mga ito.

“I hope kapag humupa na ang tampo nila sa isat isa at sila ay magkapatawaran….. Sa dami ng perang nareceive ni Caloy ngayon, maiparanas nya pa din ulit yung katas ng pagiging gold medalist nya.”

“Bilhan nya ng bahay, itravel nya out of the country. Ipag shopping nya ang pamilya nya. Kasi napakasarap talaga sa pakiramdam ng makapag share ng blessings sa pamilya mo,” payo ni RR.

RR, may payo sa girlfriend ni Carlos Yulo

Nagbigay rin ng payo si RR sa girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose, para kay RR mas gusto umano niya na ang kanyang partner ay may respeto parin sa kanyang mga magulang kahit hindi nila gusto ang isa’t-isa.

Aniya : “Para naman du’n sa rival ng Mom and gf. Yes it’s so easy to judge someone based on their appearance or sa mga sinusoot nila.

“But hindi naman porket ayaw sayo ng magulang ng jowa mo ay hindi ka na mag i effort to win her heart.

“Mas gusto ko pa din na ang partner ko ay irirespeto ang magulang ko kahit hindi nila gusto ang isat isa,” dagdag ng aktres.


0 comments:

Post a Comment