Malaking kabiguan para kay Anthony Ammirati ang naging hadlang sa kanyang minimithing gintong medalya sa Paris Olympics 2024.
At ito ay walang iba kundi ang kanyang malaking pagkalalaki.
Masasabing “ultimate dream” ng bawat atleta ang manalo sa Olympics.
Ang insidente sa 2024 Paris Olympics
Si Anthony Ammirati, na sumikat dahil sa kanyang kagalingan sa pole vaulting, ay nag-viral hindi dahil sa nasungkit niya ang gold medal sa 2024 Paris Olympics, kundi dahil sa isang kakaibang insidente.
Sa kanyang pagsubok kasi na tumalon ng 5.70 metro, ay biglang nahagip ng kanyang pagkalalaki ang pole, dahilan upang bumagsak ito.
Dahil dito, hindi siya nakapasok sa finals at nagtapos lamang sa ika-12 na pwesto.
Ngunit ang kwentong ito ay nagkaroon ng kakaibang twist.
Adult website, inalok si Anthony Ammirati ng $250,000 dahil sa kanyang malaking nota
Tila blessing in disguise kasi ang nangyari kay Anthony Ammirati dahil hindi man niya nasungkit ang gintong medalya sa Paris Olympics 2024, isang malaking offer naman ang kanyang natanggap.
Base sa ulat ng TMZ, ang popular na adult entertainment site na CamSoda ay nag-alok kay Ammirati ng $250,000, o mahigit 14.3 million kung ico-convert sa peso, kapalit ng isang 60-minutong webcam show.
Pahayag ng Vice President ng CamSoda na si Daryn Parker, “If it was up to me, I’d award you for what everyone else saw, your talent below the belt.”
Dagdag pa niya, “As a lover of crotch-centric activities, I’d love to offer you up to $250,000 in exchange for a 60-minute webcam show, in which you show off your goods, minus the crossbar, of course.”
Anthony Ammirati, malungkot sa nangyari
Bagaman malaking tukso para sa iba ang ganitong alok, tila hindi interesado si Ammirati.
Sa katunayan, hindi maitatanggi na malungkot siya sa kinalabasan ng kanyang unang Olympic appearance.
Ang kanyang pangarap na magwagi para sa France ay nauwi sa isang kakaibang viral moment.
Sa kanyang pahayag sa French Athletics Federation, sinabi niya, “It’s a big disappointment. I’m a bit gutted, because I didn’t miss anything on the third attempt at 5.70 m. What I did miss was a bit of jumping in training to fine-tune the settings.”
0 comments:
Post a Comment