Tuesday, August 13, 2024

Chloe San Jose, nagseselos sa coach ni Carlos Yulo?

Pinagseselosan diumano ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose, ang occupational therapist ng atleta na si Hazel Calawod.

Sa gitna ng tagumpay ni Carlos sa 2024 Paris Olympics, kaliwa’t kanang kontrobersiya ang iniuugnay sa kanya.

Una na rito ang tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ina na si Angelica Yulo na ang pinag-ugatan ay ang girlfriend din niyang si Chloe.

Carlos Yulo, kinampihan ang girlfriend laban sa kanyang ina
PHOTO : Chloe San Jose / Carlos Yulo and Angelica Yulo

Hanggang isang di inaasahang kontrobersiya nga ang umusbong na naman ngayon kung saan tungkol naman sa kanyang occupational therapist.

GF ni Carlos Yulo, pinagseselosan ang kanyang Occupational Therapist?

Ang occupational therapist ni Carlos na si Coach Hazel ay biglang naging sentro ng mga balita hindi dahil sa kanyang propesyonal na kontribusyon, kundi dahil sa tsikang pinagseselosan siya ni Chloe.

Uminit ang isyu matapos mapansin ng ilang netizens ang tila kawalan ng pasasalamat ni Carlos kay Hazel, lalo na sa social media.

Isang bagay na agad namang napansin ng mga tagahanga, lalo’t sunod-sunod ang social media post ni Carlos pero laging kasama niya si Chloe.

Matapos namang mag-viral ang isyu, isang source na isang sports writer ang nagbahagi ng impormasyon ukol dito.

Sa ulat ng Bandera, ibinunyag ng source na si Chloe diumano ang may hawak ng social media accounts ni Carlos, dahilan kung bakit kontrolado niya ang mga ipino-post dito.

Dagdag pa niya, tila sensitibo umano si Chloe tuwing napag-uusapan si Hazel, dahilan ng hindi pagbanggit sa kanya ng atleta sa mga panayam.

Ang kontrobersiyang ito ay lalo pang lumaki nang mag-post ang social media personality na si Xian Gaza, kung saan kinumpirma niya ang tsismis.

Xian Gaza, kinumpirmang pinagseselosan ng GF ni Carlos Yulo ang kanyang Occupational Therapist

Ayon kay Xian, batay sa kanyang mapagkakatiwalaang source, totoong pinagseselosan ni Chloe si Hazel.

Aniya, hindi gusto ni Chloe na masapawan, kaya’t nililimitahan niya ang exposure ni Hazel.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang hindi matatawaran—ang kahusayan ni Hazel bilang isang therapist.

Kilalanin ang Napakagandang Occupational Therapist ni Carlos Yulo

Si Hazel ay isang Harvard-certified Human Factors Specialist at kasalukuyang Data Scientist sa Massachusetts Institute of Technology (MIT).

Maliban sa kanyang impressive na educational background, siya rin ay nagpatunay ng kanyang kahusayan sa pagtulong kay Carlos upang maging handa sa mga laban, lalo na noong 2024 Paris Olympics.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Hazel, lalo na’t malaking bahagi siya ng tagumpay ni Carlos sa larangan ng gymnastics.

Bagaman hindi siya laging nakikita sa spotlight, ang kanyang kontribusyon ay hindi dapat balewalain.

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN, nagpasalamat si Coach Hazel sa sambayanan dahil sa suporta nila hindi lang kay Carlos kundi sa kanilang team.

Aniya, “Salamat po sa suporta niyo sa kanya at sa grupo namin. Salamat din po na nagbigay kayo ng energy niyo kasi naiintindihan ko din na kung kulang ang energy na nabibigay samin baka hindi rin po nabuo yung ganitong resulta ng grupo. Nakagawa po tayo together ng magandang history ng Pilipinas.”


0 comments:

Post a Comment