Friday, August 9, 2024

Louie Jay, binugahan ng tubig sa mukha ang kaniyang live seller?

Trending ang TikToker na si Louie Jay Baloc, mas kilala bilang ‘Daddy Louie,’ dahil sa kontrobersyal na ginawa niya sa isa niyang live seller.

Viral ang isang video clip mula sa TikTok Live Selling ni Louie Jay para sa 8.8 sale nitong Huwebes, August 8, kung saan makikita ang pagbuga niya ng tubig sa mukha ng isa niyang live seller. 

Makikita rin sa video na napaiyak ang live seller dahil sa insidente, habang maririnig ang kanyang pakiusap kay Louie Jay na tumigil na.

Aniya, “Tama na, Dad (tawag nila kay Louie Jay).”

Louie Jay, binugahan ng tubig sa mukha ang kaniyang live seller?
PHOTO : Louie Jay Baloc / Tiktok Live

Ayon sa isang nakapanood ng live selling, nagkaroon umano ng system error kaya nagalit si Louie Jay sa kanyang staff. 

“System error sa Sukee live. Binugahan pa ni Louie ng tubig ang staff niya,” ayon sa caption ng isang netizen na naka-record ng insidente.

Netizens, nag-react sa ginawa ni Louie Jay sa kanyang live seller

Samantala, umani ng kabi-kabilang reaksyon at komento mula sa netizens ang ginawang pagbuga ni Louie Jay ng tubig sa mukha ng kanyang staff. 

Marami ang hindi nagustuhan ang ginawa niya na itinuturing nilang napakabastos. 

Ngunit may ilan ding nagsasabi na posibleng isa lamang itong marketing strategy o scripted na eksena para mag-trending at pag-usapan muli si Louie Jay.

Bagaman nag-viral, tila nauwi sa wala ang kanilang effort dahil marami ang hindi na naniniwala sa kanilang mga pakulo.

Narito ang ilang komento ng netizens:

 “Wag kami, Louie Jay, halatang forda acting ang mga tao.”

 “Halata naman na creation camp haha.”

“Marketing strategy, more issues, more viewers—ending, kikita pa sila.”

“Ginawa nila ‘yan para pag-usapan sila ulit ng issue at mag-boom ang business.”

“Will never like this man ever… Jusko, the disrespect even if it’s scripted or not.. that is the most disrespectful act you can ever do to someone.”

Past Issues of Louie Jay Baloc

Matatandaang hindi ito ang unang beses na binatikos si Louie Jay dahil sa kanyang kontrobersyal na content. 

Noong nakaraang taon, nag-viral din siya dahil sa homophobic remark at pambu-bully niya at ng kanyang mga live seller sa itsura ng content creator na si Jose Bryant Correa o mas kilala bilang “Wear Sunscreen”.

Hindi kasi matanggap ni Louie Jay ang “honest review” ni Wear Sunscreen sa binebenta niyang Sukee sunscreen.

Ani Louie Jay, “Sinetch itey ang acclang mukhang mama…Sinetch itey ang kumapit sa patalim na content creator. Ano ba ‘yan. Huy hindi sa amin yan ah. Tapos ano nakakatawa siya kasi bakit? Nagpapa-babae-baehan siya. Alam mo hindi mo ba afford uminom ng hormones?” 

“Masyado kang nagpapabida eh. Kasi kahit ako ‘pag may sisirain akong product, masisira ko talaga siya kasi intensyon ko eh. Kapag intensyon talaga ng isang tao, kaya mo talagang gawin niya. Pero kung honest review lang, imposible namang ganun tapos honest review. Hindi na below the belt ka na,” dagdag niya.


0 comments:

Post a Comment