Wednesday, May 22, 2024

Ex wife ni Whamos Cruz, nasaktan at nag glow up nang malala?

Viral ngayon ang ex wife ng vlogger na si Whamos Cruz na si Neilyreen Khyle Perez De Guia dahil sa kanyang kapansin-pansing malaking glow up transformation.

Ex wife ni Whamos Cruz, nasaktan at nag glow up nang malala?
PHOTO : Whamos Cruz and his Ex wife

Nag-trending si Neilyreen matapos mapansin ng netizens ang malaking pagbabago sa kanyang itsura ngayon.

Pinusuan ng maraming netizens ang kanyang mga litrato sa social media, kung saan makikita na mas gumanda siya ngayon.

Kung ikukumpara sa kanyang dating kutis, mas nag-glow din ang kutis ngayon ni Neilyreen.

Maliban dito, makikitang nagkalaman at gumanda rin ang katawan ni Neilyreen kumpara sa kanyang katawan noon na sobrang payat.

Whamos Cruz Ex Wife vs Antonette Gail

Samantala, hindi naman maiwasang ikumpara ng maraming netizens ang itsura ngayon ni Neilyreen sa kasalukuyang partner ni Whamos na si Antonette Gail del Rosario.

Ayon pa sa kanila, hindi hamak na mas maganda raw si Neilyreen (Ex girlfriend) kaysa kay Antonette (New girlfriend), lalo pa’t wala raw halong kemikal o natural ang kanyang ganda.

Tila natural din umano ang naging glow up transformation ni Neilyreen, hindi tulad kay Antonette na kung anu-ano raw ang ipinagawa sa kanyang katawan.

Kaya naman nagmukhang sinayang umano ni Whamos si Neilyreen dahil ipinagpalit niya ito kay Antonette.

Samantala, isa sa mga maipagmamalaki ni Neilyreen ay ang kanyang diploma.

Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, nakapagtapos si Neilyreen ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management noong nakaraang taon.

Sa kanyang Facebook account, ibinandera ni Neilyreen ang kanyang achievement.

Aniya, “Proud of me and my short list of accomplishments! De Guia, Neilyreen Khyle Perez, Bachelor of Science in Tourism Management.”

Samantala, hanggang sa ngayon ay usap-usapan pa rin ang umano’y hindi pagbibigay ng sustento ni Whamos sa anak nila ni Neilyreen.

Matatandaang noong 2021, kung saan unti-unti pa lamang nakikilala si Whamos, isang Cyril ang nagpakilalang kamag-anak ni Neilyreen ang nagsiwalat na ipinagpalit ni Whamos ang kanyang mag-ina para sa karera niya.

Sinabi rin nito na hindi raw nagbibigay ng sustento si Whamos sa anak nila ni Neilyreen.

Saad pa nito:

“Sa lahat ng walang alam at sa lahat ng proud na proud kay Whamos, lilinawin ko lang ah, iniwan niya at pinagpalit niya yung pamangkin ko at apo ko para sa career niya.

“Yung latest post niya about sa pagsusumikap niya? That is wrong kasi ni isang kusing wala siyang binibigay. Iniwan at niloko niya yung mag-ina para sa opportunity niya na sumikat lalo!! Like wtf kahit dalaw wala tas kung magpost ng magpost sa FB at TikTok, especially sa IG na kasama new gf niya akala niya wala siyang pamilya!

“Icocorrect ko lang lahat ng taong nagsasabing binabash yung idol niyong mukang lamok. Hindi po namin siya binabash, ang gusto lang ng pamilya namin yung sustento para kay Sam, ok na ba? Wala nabang bobong magcocomment ng “I’M SO PROUD OF YOU IDOL WHAMOS”? Wala naba? Hahahahaha mga utak kurimaw!!!”


0 comments:

Post a Comment