Tuesday, May 28, 2024

Lolit Solis may tanong : “Bakit ako nagkasakit ng ganito?”

Malaki na lamang ang katanungan ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis kung bakit siya nagkasakit at bumagsak ang kaniyang kalusugan.

Lolit Solis may tanong : “Bakit ako nagkasakit ng ganito?”
PHOTO : Lolit Solis

Sa panibagong update tungkol sa kalusugan ni Lolit Solis, sinabi ng kolumnista ang dinaranas niyang hirap sa tuwing siya ay sumasailalim sa isang dialysis.

Ibinahagi rin ni Lolit na sobrang naiirita na siya sa catheter na naka-konekta sa kaniyang dibdib kaya nais niya itong ipalipat sa kaniyang braso.

Ano ang Catheter?

[-A catheter is a tube that is inserted into the bladder, allowing the urine to drain freely.]

“Naku Salve dahil naiirita na ako sa catheter ko sa may dibdib pinalipat ko na sa braso ang dialysis ko. Pero 1 month pa pala bago maalis ang catheter at sa operating room pala ito dapat alisin, kaloka.” panimula ni Lolit Solis.

Ibinahagi rin ni Lolit na sobrang hirap siya habang naliligo dahil iniiwasan niyang mabasa ang kaniyang catheter upang maiwasan ang karagdagang inpeksyon.

Aniya : “Talagang complicated pala mga gagawin sa akin, hindi pala simple na alis o kabit. Kaya bago maalis catheter 1 month pa kaya hirap parin akong maligo dahil iiwasan ko parin mabasa baka ma infection.”

Bakit ako nagkasakit ng ganito?

“Bakit kaya ako nagkasakit ng ganito ? Imagine mo iyon dialysis na twice a week, 4 hours per session. Kaloka talaga.” ani Lolit.

“Pero ok lang dahil nalalagpasan ko naman ang lahat. Isang bagay na talagang ikinatutuwa ko nababayaran ko ang medical bills ko.

“At parang nakabantay naman ang guardian angels ko dahil ok naman pakiramdam ko sa dalawang taon na nagda dialysis ako.

Lolit Solis Illness

Pagbabahagi ng kolumnista : ”Tinamaan lang ako ng pneumonia nuon isang taon kaya na confined ako ng 10 days sa hospital. But aside from that wala ng naging problema.

“So thankful sa mga biyaya na natatanggap ko at sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. Iyon pagmamahal ng lahat ng tao na nasa paligid ko. Thank you talaga, my God forever grateful,” dagdag pa niya.


0 comments:

Post a Comment